Bagong Concert Prince ang tawag kay Jovit Baldivino pagkatapos ng matagumpay niyang first major concert sa Aliw Theater last year.
Ngayon ay may take two na ang kanyang Faithfully concert. Gaganapin ito sa Waterfront Hotel sa Lahug, Cebu on February 11, kung saan ay guests niya ay sina Jason Francisco at Melai Cantiveros, Markki Stroemn at ang Kapuso star na si Aljur Abrenica.
Masusundan pa ito sa February 26 sa Music Museum na ipo-produce ng MJM Productions.
Si Jovit ang first winner ng Pilipinas Got Talent. Tinanong siya ng kung bakit niya laging gine-guest si Melai sa kanyang concert. Inspirasyon ba niya ito?
"Malambing si Melai. Mabait po siya," aniya.
Kung wala si Jason, na boyfriend ni Melai, liligawan ba niya ito?
"Hindi po. Magkaibigan po kami. Hanggang magkaibigan lang po kami. Bata pa ako," sagot ni Jovit.
"Nakakahiya naman kung liligawan ko siya. Kakuwentuhan ko, tapos liligawan? Hanggang kaibigan lang. At saka tropa ko si Jason, kababayan ko. Hindi katalo."
Handa na ba siya magkaroon ng ka-loveteam?
"Kahit sino po. Sila na ang bahala kung sino gusto nilang i-partner sa akin," sagot niya.
Type ba niya na makasama si KC Concepcion?
"Gusto ko siya makasama sa isang concert kung mabibigyan ng pagkakataon. Kasi wala po siyang pinipili, mayaman, mahirap, malinis, marumi. Yun ang nakikita ko sa kanya."
Hindi ba siya natatakot na mawala dahil magkakaroon na ulit ng Pilipinas Got Talent?
"Yun po ang kinakatakutan ko pero natutuwa ako na may PGT. Iniisip ko po na ako po ang pinaka-inspirasyon ng marami para magpakita sila ng iba-iba nilang talent."
May kaba ba siya na baka matabunan siya?
"Hindi ko naman iniisip na matatabunan ako. Tao na lang po ang bahalang magpasya. At saka susuportahan ko po sila," sagot ni Jovit.
Paano naman niya ipapaliwanag ang hindi matapos-tapos na intriga sa kanya na nagdadamo diumano siya bago mag-show?
"Hindi naman po," ang kanyang sagot.
"Ang masasabi ko lang, kung tunay na gumagamit ako nun kahit ipa-drug test nila ako. Ni minsan, hindi po ako nakatikim nang ganoon."
"Hindi ako nagagalit sa nang-iintriga sa akin. Ang masasabi ko lang sa kanila ayusin lang muna nila ang buhay nila bago ako," sabi ni Jovit.