THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 26, 2009

Ai-Ai delas Alas,Mommy Dionisia, at Erap Estrada magsasama sa isang malaking Movie

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN

Kahit matagal pa bago ipalalabas ay pinakaaabangan na ang gagawing pelikula ng comedy concert queen na si Ai-ai delas Alas at former president Joseph Estrada. Ikinokonsiderang isang rare feat ang mapagsama ang veteran action star turned public figure at ang box-office comedy queen sa isang pelikulang ipoprodyus ng Star Cinema.

At lalo pang mas magiging kaabang-abang ang pelikula dahil ayon sa The Buzz kahapon, kabilang sa nasabing pelikula ang ina ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia na personal umanong hiniling ni Erap na mapabilang sa pelikula. “Nakakatuwa naman si Mommy Dionisia. Nakita ko sa telebisyon ang galing sumayaw. I’m anticipating na mapapasaya natin ang taong bayan,” pagbibida ni dating pangulong Estrada.

Sinabi ni Mommy Dionisia sa panayam ng The Buzz na apat na araw umano siyang magus-shooting at gagampanan ang papel bilang ina ni Sam Milby na kasama rin sa pelikula. Nauna nang nagkaroon ng hesitasyon si Mommy Dionisio na sumang-ayon dahil ayaw na umano niyang magpuyat.

Willing naman umano si Ai-ai na tulungan at suportahan ang ina ng pambansang kamao sa paggawa ng pelikula. “Sabi nga raw niya ayaw niyang magpuyat. Siyempre tuturuan ko muna siyang magpuyat and pangalawa bibigyan mo din siya ng support,” ani Ai-ai.

Isang karangalan naman sa komedyante na makatambal si Erap na walang dudang nakagawa na ng marka sa showbiz. Aniya, isang dream come true ang maging leading man ang dating pangulo sa kanyang pagbabalik pelikula. “Sa buhay ko, parang wala nang mas hihigit pa na makasama mo ang dating presidente at aktor nung kanyang time. Napaka-classic na aktor. Andami niyang nagawang box office hit na movies. Isang napaka-classic na action star,” puri ni Ai-ai sa kanyang leading man.