THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 19, 2009

Bangs Garcia may Komento sa "BAD BREATH" ni Jake Cuenca!

Published/Posted/Original/ By: www.STARtriga.blogspot.com

ANG no. 10 sa FHM’s Sexiest Women in the World na si Bangs Garcia ang magpapatunay na hindi bad breath ang young actor na si Jake Cuenca.

Tsika ni Bangs nang makausap namin lately, kung ilang beses din silang nagkaroon ng kissing scene ni Jake sa Palos, ang show na pinagsamahan nila, kaya alam daw niyang mabango ang bibig ng guwapong aktor.

Purely paninira lang daw ang lumalabas na bad breath si Jake. May mga tao lang daw marahil na gustong pabagsakin si Jake. Aminado rin si Bangs na simula nang magpa-sexy siya, dumami ang offers sa kanya.

“Talagang hindi ako makapaniwalang maraming bumoto sa akin,” sabi ni Bangs as if hindi niya alam na lutong-makaw ang botohan sa naturang poll ek ek boom.

“Ngayon ko lang na-laman na marami palang nagkakagusto sa akin. Gusto ko silang pasalamatan. I am happy sa na-abot ko kasi nakita n’yo naman ang ibang stars featured there talagang mga sexy at ang gaganda nila. At least napansin ako.
“Siguro naman, makatutulong itong pagiging no. 10 ko sa career at mas mapapansin na ako para bigyan ng more projects.”

Sa ngayon ay busy si Bangs sa taping ng malapit nang matapos na pagpapalabas ng Kambal Sa Uma at sa pelikulang Marino at malls at out-of-town shows.