THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 19, 2009

MTRCB pinagalitan at Binantaan ang GMA7 dahil sa pagpapakita of how to use Marijuana on a Teleserye; Sexy costume ng ‘Darna’ binabantayan ng MTRCB

Published/Posted/Original/ By: www.STARtriga.blogspot.com

BINABANTAYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang sinasabing sobrang sexy outfit ng aktres na si Marian Rivera sa teleserye na Darna na umano’y hindi angkop sa mga batang manonood.

Kasabay nito, pinagalitan din ng board ang GMA 7 network dahil sa pagpapakita ng aktuwal na paggamit ng marijuana sa TV show na pinagbibidahan ni Maxene Ma-galona at Patrick Garcia sa ‘Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin” na inilabas noong Hunyo 25.

Gayon man, sa resolusyon ay hindi naman ibinigay ang multa ng TV station maliban sa umano’y pagpagkagalit ng ahensiya.

Ayon sa liham ni MTRCB chief Ma. Consoliza P. Laguardia, ang permit to exhibit na ibinigay sa television program ay may classification rating na parental guidance base sa implemen-ting rules of Presidential Decree 1986 na nagbabawal sa pagpapakita ng paggamit sa ipinagbabawal na gamot o substance na kauri nito.

Nilabag din umano ng programa ang kondisyon ng kanilang permit to exhibit na lahat ng episode ng television programa ay dapat sumunod sa sample episode na pinanood na ng classification board.

Pinaalalahanan pa ang istasyon na sakaling maulit pa ang pagkakamali ay bibig-yan na ito ng kaukulang parusa.

Sa kanilang panig, sinabi naman ng producer na ang pagpapakita ng maselang eksena ay may masamang epekto at ipinakita rin umano sa palabas.

Sa kaso ng Darna, sinabi ng source na minomonitor na nila ang costume ni Rivera na ipalalabas sa susunod na buwan.

I think DARNA of Marian Rivera is a Looser show again how many times ba ninyo gustong mag remake ng mag remake kakasawa na ng DARNA na iyan. eh... ang GMA7 ehhhhh.... sure na pangit ang mga Special Effects ninyo. Hindi na nga totoo ang paglipad sa ere ng Darna pero ung mga Clouds at Background mukhang galing sa BANKETA!!!!