THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, July 17, 2009

FIRST HERE:John Lloyd Cruz at Cristine Reyes Spotted sa RestoBar in Katipunan; Cristine will stay kapamilya?!, Cristine Banana Split fix Problem

Published/Posted/Original/ By: www.STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN
Copyrighted 2009

Nakausap ng ABS-CBN.com si Cristine Reyes kamakailan lamang at tinuldukan na nga niya ang isyung tuluyan na nga silang naghiwalay ni Dennis Trillo. Inamin naman nitong hanggang ngayon ay minsanan pa rin silang nagkakausap ng nany ng binata dahil napalapit daw talaga siya dito. Siya ba ang nakapagbreak? “Biglang wala nalang, biglang wala nang communications, pareho na walang communications, parang wala kasing closure,” pahayag nito. Pero inamin niyang walang third party o ibang babae na dahilan ng kanilang hiwalayan. Ibinahagi din niyang sobrang personal ang dahilan pero ayaw na niyang pag-usapan kung ano at ayaw daw niyang sa kanya manggaling ang balita. May pag-asang maging kayo ulit? Or pwede ba kayong magkabalikan pa ulit? “I don’t know, kasi siguro hindi ako ang makakapagsabi nun, siguro mas ok na muna ang ganito, single.” Pero umaasa ka pa ba? “No, hindi rin, hindi na rin.”

Anong masasabi mo na nali-link si Dennis kay Pauleen Luna? “Ako naman wala na naman akong karapatan na magbawal or something kasi nga wala na kami, so whatever kung or sino man ang dini-date niya ok lang.” May iba na rin ba siyang dini-date sa ngayon? “Wala pa. Siguro gusto ko muna mag-enjoy, ayoko pilitin ang sarili ko na makipag-date para lang may masabing may-ka date ako, at tsaka siyempre kung may idi-date ako, feel ko.”

Kinamusta na rin naming ang isyung iringan sa pagitan niya at ng mga dating kasamahan sa Banana Split. Umaasa pa ba siyang magkakaayos sila nina RR Enriquez, Angelica Panganiban at Pokwang? “Siguro, kasi ano naman yun eh, masasabi ko na hindi lang kami lahat nagkakaintindihan. I think there is a possibility na magkaayos-ayos, dahil in the first place may mga pinagsamahan kami, super saya namin nung mga time na nagti-taping kami, so I think, oo there is a possibility na magkakayos pa rin.” Sa panayam noon kay Pokwang, sa Bayview Hotel kung saan nag-ipon ipon ang Star Magic artists para sa interview sa US Embassy consul para sa show ng mga ito sa California, sinabi nitong hindi daw niya ikayayaman si Cristine, ano kaya ang masasabi niya sa tinuran ng TV host? “I think expression lang niya yun na nagpapatawa, ganun lang talaga siya, mahirit siyang tao.”

Sa mga intriga naman na may mga sinasabi diumano siya against Jake Cuenca, ano kaya ang masasabi niya dito? “Well okay lang, okay lang na sa akin ibinibentang na ako daw ang may pinagmulan, pero thankful naman ako na si Jake, gentleman pa rin at sinasabi niya at naniniwala siyang hindi sa akin nangagaling ang mga chismis.”

May linaw na ba ang estado niya bilang Kapamilya? “Ay ano mukhang ano, hindi muna ako dapat magsalita hanggang ngayon pero ah time muna siguro ang makakapagsabi.”

Noong July 15, 2009 episode naman ng Showbiz Mismo sa DZMM hosted by Jobert Sucaldito, sinabi nitong may nakakita diumano kay Cristine Reyes at John Lloyd Cruz sa isang resto-bar sa may Katipunan. Nakapambahay lang daw ang dalawa. Ayon pa sa matapang na TV host-columnist, ayon pa daw sa mga waiters ng nasabing establishment, palagi daw dun ang dalawa. Wala pang matibay na patunay ang isyung ito pero kung may katotohanan mang lumalabas ang dalawa, si Lloydie na ba ang bago ni Cristine? Nasaan kaya sa picture ang napabalita ding espesyal kay John Lloyd na si Ruffa Guttierez?