THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, July 16, 2009

Freddie Aguilar, Laos at NO FAME kaya Nag-iingay!!!

Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com via Cristy Fermin

NAKAKATUWA. Lahat ng mga kaibigan at kamag-anak naming matagal nang naninirahan sa Amerika at sa iba pang dako ng mundo ay nakakakomunikasyon namin nang dahil sa pahayagang ito.

Maaga pa lang ay meron na kaming text message mula sa pamangkin naming si Rene de Leon na nagtatrabaho bilang nurse sa Stanford Hospital sa San Francisco, “Ate Tenggol (kapag direkta kitang kadugo o kababaryo o kaibigan nu’ng aming kabataan ay ito ang palayaw namin—Tenggol), sino ba itong blind item mo?

“Kanina pa kami nahihirapang manghula. Sirit na! Maraming pasyente ngayon dito sa ER!” kadalasang tanong ng aming pamangkin.

Si Cita Mariano naman na matagal nang naninirahan sa Houston, Texas ay ganito ang kuwento, “Alam mo, Pinoy Parazzi ang kasama ko palagi dito sa Texas, napakaganda ng ganito na may website kayo, nakakaaliw ang tabloid n’yo, ang dami-dami n’yong ibinubuking!

“Feeling ko nga, para na rin akong correspondent n’yo, gusto kong magpadala ng controversial photos ng mga artistang nagpupuntahan dito sa Texas, kahit walang bayad!” kuwento ng aming kaibigan.

Maraming Pinoy pala ang naglilipatan ngayon sa Texas, matindi kasi ang tama ng resesyon sa California at Nevada, lalo na ang parte ng Sacramento kung saan kahit saang kalye ka mapadaan ay makikita mo ang sangkatutak na karatulang “house for sale.”

“Dito naglipatan ang mga kababayan nating matagal nang nakatira sa California and Nevada, feel na feel kasi ang recession du’n, napakaraming nagsasaradong kumpanya at magpunta ka sa mga malls, walang tao dahil mahirap nga ang buhay,” kuwento pa ni Cita.

Halos sabay na sabay ang opinyon namin ni Cita, kung tutuusin ay mas matindi ang resesyon dito sa Pilipinas, ang malaking bentahe lang nating mga Pinoy ay sanay na sanay na tayo sa hirap kaya hindi na bago sa ating pakiramdam at pandinig ang salitang recession.

May pahabol pa ang aming kaibigan, “Bastante ang buhay dito sa Amerika, pero there’s no place like home, hahanap-hanapin mo pa rin ang buhay diyan sa atin na tao tayo at hindi makina.”

Korek na korek.

ANG DAHILAN NG muling pagharap ni Freddie Aguilar sa mga camera ng telebisyon at sa mga manunulat ay ang bagong bukas niyang resto-bar na mula pa noon hanggang ngayon ay pinapangalanan niya ng Ka Freddie’s.

Pero kung negosyo ang hangad ng singer ay mukhang kumabyos siya sa paraan ng pag-iingay, maraming kababayan natin ang naiinis sa kanya ngayon dahil sa mga ginagawa niyang pamumuna sa negatibong paraan sa maraming personalidad na sumusikat sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nu’ng isang gabi lang ito, nakausap namin ang isang kaibigang mahilig gumimik para makinig ng magandang musika, madiin nitong sinabi sa amin na mas gugustuhin na lang nitong pumunta sa isang patakbuhing lugar kesa sa maglagi sa bagong establisimyento ni Ka Freddie.

Ang katwiran ng aming kaibigan, “Ayoko, nanenegahan ako sa mga ginagawa niya. After Arnel Pineda and Charice Pempengco, si Pacman naman ang pinagtitripan niya ngayon!

“Basta may sumikat na personality abroad, meron na siyang banat, palibhasa, tapos na ang maliligayang araw niya. Bakit ako pupunta sa isang place na ayoko ang may-ari?” makatwirang pahayag ng aming kausap.

Ganu’n pa naman tayong mga Pinoy, kapag hindi tayo kumportable sa isang lugar ay hindi tayo mag-aaksaya ng pera at panahon. Du’n nagkamali si Freddie Aguilar, negosyo ang nililinyahan niya, pero siya mismo ang nagtataboy sa ating mga kababayan para lumayo sa lugar na ipinang-iimbita niya.

Isang-isa lang ang maikokomento namin du’n dahil kontra rin kami sa pinaggagagawa ngayon ng may edad nang singer (na sana’y meron pang pinagkatandaan), Amen.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin