THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Monday, July 13, 2009

Freddie Aguilar to local singers: ‘Kayo ang nagpatawag na unggoy dahil gaya-gaya kayo’

Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com

Kinlaro ng batikang musikero na si Freddie Aguilar na hindi umano niya tinawag na unggoy si Charice Pempengco at Arnel Pineda. “Hindi ako ang nagsasabi ng monkey,” diin ni Ka Freddie. “Ang sabi ko, kaya tayo binabansagang Pilipino na unggoy ay dahil manggagaya tayo. Ako ang magtatanong sa lahat ng singer na Pilipino, bakit puro banyaga ang kinakanta ninyo? ‘Yan ang tanong ko, hindi ‘yung tinatanong n’yo sa akin kung bakit ko kayo tinatawag na unggoy. Kayo ang nagpatawag na unggoy dahil gaya-gaya kayo.”

Dahil sa umano’y komento ni Ka Freddie ay nagsimula ang mainit na sagutan sa kabi-kabilang partido. Nadawit din ang pangalan ni Gary Valenciano kung saan ipinagtanggol niya kamakailan si Charice dahil sa tinuran umano ni Ka Freddie na tinawag niyang unggoy si Charice na nanggagaya lamang ng kanta ng foreign artista upang sumikat.

Pumalag din si Arnel at sinabing sumobra si Ka Freddie sa pagtawag sa kanilang dalawa ni Charice na unggoy o gaya-gaya. Subalit sa The Buzz kahapon ay sinabi sa panayam sa beteranong singer na hindi niya isinali si Arnel. “Si Arnel hindi ko siya isinama do’n. Binanggit lang ‘yung pangalan ni Gary tapos si Regine (Velasquez) din na tinawag din daw ni Mariah Carey nang (unggoy),” paliwanag ni Ka Freddie. “Tapos dinugtong ko na lang ‘yun pero actually isa lang ang itinanong, si Charice lang. At wala akong galit kay Charice o kay Gary, wala. Tinanong lang ako. Tinanong ako sa opinyon ko, alangan naman ‘yung ibigay ko hindi ‘yung nararamdaman ko.”

Nagbigay rin siya ng mensahe sa batang singing sensation at inulit ang sinabi niya na mas ikararangal niya si Charice kung kantang Pilipino ang kanyang inaawit sa halip na kanta ng mga foreign singer. “Charice, magaling kang singer pero mas bibilib ako sa ‘yo kung kakanta ka ng sariling atin.”

Sa POV (Points, Opinion, Violent Reaction) portion ng The Buzz kahapon, sinabi ni Boy Abunda na maaaring ang ibig sabihin ni Ka Freddie ay kung patuloy na sisikat si Charice sa pagdaan ng panahon, maaari umano niyang imungkahi na kumanta ng ilang Pilipinong awit. Bilang halimbawa rin ay tinukoy ni Kris Aquino ang sikat na front-man ng Black Eyed Peas na si Apl.de.ap kung saan sa ilang album ng grupo ay may kantang Pinoy na kasali kagaya ng “Bebot” at “The Apl Song.” “He had Bebot. In fairness to Apl.de.ap, who came from Pampanga sa Black Eyed Peas in every album and thank you Black Eyed Peas, pinapayagan siyang maglagay ng Pinoy song.” Subalit nilinaw ni Boy na nagawa ito ni Apl.de.ap dahil may impluwensiya na siya at matagal na sa industriya. Sinangayunan naman ito ni Ruffa Gutierrez. “He’s been with Black Eyed Peas for a while pero si Charice naman, give the poor girl a chance dahil nag-uumpisa pa lang siya. She’s very young so huwag naman natin siyang laitin. At least she’s brought honor to our country.”