THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, July 22, 2009

Jennylyn Mercado naghahanda para sa kanyang Baby's First Birthday

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via ABS-CBN

August 16 ang birthday ng anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz, ang anak niya sa kanyang dating boyfriend na si Patrick Garcia. May mga preparasyon at paghahanda na nga daw silang ginagawa ngayon. "Siyempre, first birthday yun kaya sobra akong excited. Dapat malaki. Kaya may mga hinahanda na kami." kuwento ni Jen. Pero siyempre, hindi maiwasan na tanungin si Jen kung imbitado ba sa naturang okasyon ang ama ni AJ na si Patrick, “Naku, ayaw ko na lang pong pag-usapan yan.” Pero anong gagawin niya, kung sakaling pumunta sa birthday party ni AJ si Patrick? “Ayaw ko na po talagang pag-usapan yan, kasi ang gusto ko puro positive na lang. Ayaw ko na po ng mga negative issues, kaya ayaw ko na pong pag-usapan yan.” sagot ng aktres.

Kasama ni Jennylyn si Valerie Concepcion sa kanilang "Hot Momma" billboard pictorial sa studio ni Mark Nicdao sa Makati. At speaking of pictorial and pictures, tinanong namin si Jennylyn, kung ano na ang nangyari sa coffee table book ni Jen. “Ay, lalabas na siya. Ngayong August. Medyo na-delay lang kasi nagkaroon nga ako ng mga personal problems, ‘di ba? Pero lalabas na siya?” In time ba ito sa birthday ng anak niyang si Alex? “Ay, hindi naman. Pero this August na siya lalabas." Ano naman ang aasahan ng mga fans sa coffee table book na ito? "Nandoon na ang lahat. Yung mga pictures ni AJ simula noong lumabas siya sa hospital hanggang ngayon, nasa coffee table book siya,” kuwento ni Jen. Sa mga litrato ng kanyang anak sa coffee table book, kinailangan ba niyang kunin ang permiso ni Patrick para maipublish ito? “Hindi na kailangan. Saka ayoko na talaga siyang pag-usapan.” mabilis na sagot ng hot momma.

Binigyang linaw din ni Jennylyn ang isyu tungkol sa kanya at sa kaibigan niyang si Katrina Halili. Ang tsismis kasi, kung ano-ano daw ang sinasabi ni Jennylyn kay Katrina at kay Dra. Belo, bilang endorser ng Belo Medical Group. Ang lumalabas, namamangka siya sa dalawang ilog! Sabi ni Jen, “Ay walang katotohanan yan. Kami ni Katrina nagkikita kami, pero hindi namin yan pinag-uusapan. Saka kamustahan lang talaga.” Wala daw problema sa kanila ni Dra. Belo at nila Katrina, pinananatili niya ang kanyang professionalism at sinasantabi ang personal na problema.