IT’S HIGHLY UNTHINKABLE na mapapayag si Piolo Pascual na gumanap bilang kontrabida sa isang pelikula. Prime artist kasi siya ng ABS-CBN, number one product endorser at recording artist din.
Pero nalaman naming he agreed to play contravida to Dingdong Dantes in a comedy film he is producing. Ito ‘yong Kimmy-Dora, ang launching vehicle ni Eugene Domingo. Yes, he was more than willing to play a screen baddie sa kanyang sinasabing karibal sa kasikatan, kay Dingdong nga.
Siyempre,shocking Asia ito para sa kanyang fans. Matinee idol nga naman si Piolo kaya bakit siya kailangang bumaba ng level. It’s not a logical move. Hindi dapat at hindi practical ang ganitong hakbang.
On the part of Piolo naman, ang say sa amin, gustong i-explore ni Piolo ang lahat ng possibilities and this includes playing contravida. Ang pagiging artist ni Papa P ang siya raw ngayong nananaig sa kanya. Hindi siya afraid mag-experiment kung kinakailangan. Sabi nga niya sa presscon ng movie niyang Manila, he wants to grow as an artist. Type niyang subukan ang mga bagay na hindi pa niya nagawa sa ilang taon niyang pag-aartista. Learning experience nga sa kanya ang pagpoprodyus ng indie film. Nagpapasalamat nga siya kina direk Raya Martin at Adolf Alix., Jr. na siyang nag-introduce sa kanya sa mundo ng independent film production.
Kaya lang, may pumalag, may kumontra sa balak na ito ni Piolo. Sa tingin kasi nila, this is a bad move, a very, very bad decision.
Nang makipag-meeting daw kasi si Piolo sa Star Cinema boss at sinabi ang balak niyang pag-apir na kontrabida ni Dingdong sa Kimmy-Dora, kaagad siyang nakatikim ng pagkontra. Pinigilan daw siya ng Star Cinema boss sa kanyang naiibang showbiz move. Hindi raw puwede ang kanyang gagawin.
Unang-una raw, mataas pa ang premium ni Papa P as a celebrity. Hindi pa siya Laos-ian beauty (laos na, gagah!) Isa pa raw, hindi magandang maging kontrabida siya sa isang prime artist ng GMA-7. Hindi nga naman magandang tingnan iyon sa kanilang fans.
Nakipag-usap si Piolo sa Star Cinema para sa distribution ng Kimmy-Dora. Gusto kasi niyang ang nasabing film outfit ang mag-distribute ng kanyang movie.
Maging ang management ni Piolo, ang Star Magic, ay hindi raw suportado ang hakbang na ito ng binatang actor.
So, walang nagawa si Piolo kundi ang sundin ang advice sa kanya na sa tingin naman namin ay tama at nararapat.
With this, si Zanjoe Marudo na ang napili para gumanap na kontrabida ni Dingdong.
SOBRANG IN LOVE ang isang TV host sa kanyang dyowa at parang hindi siya mapakali kapag hindi niya nasa-sight ang kanyang hunky boyfriend.
Say ng tsikadora naming friend, parang kiti-kiti ang TV host kapag nasa studio. Parang sinilihan ang kanyang puwet at gustong matapos na ang kanyang hosting job para sa noontime show niya.
Sooooo in love ang hitad at panay ang check sa kanyang cellphone para sa mensahe ng kanyang boyfriend. Super text siya at minsan, tinatawagan pa niya ang kanyang dyowa.
Ang nakakatuwa pa, hindi pumapayag si TV host na hindi nakikita ang kanyang syota everyday. Talagang diretso na raw siya sa dressing room ng kanyang dyowa kapag tapos na ang hosting niya. Super babad nga raw siya sa taping ng gag show ng kanyang boyfriend. Kaya kapag may taping ang hunk actor, masisiguro raw ng cast na naroon din ang TV host.