THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, August 12, 2009

John Lloyd Cruz, King of Endorsements!?

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

Pahinga muna sa TV work si John Lloyd Cruz pero sunud-sunod naman ang kanyang endorsements. In fact, nang huli naming makapanayam ang aktor, kagagaling lamang nito sa isang promotional event for the pizza chain Greenwich. “Hindi siya ganun kapagod unlike nung meron pa siyang (I Love) Betty La Fea (na tini-tape),” lahad ng Star Magic road manager ni Lloydy.

John Lloyd allots two days in a week for the upcoming film project In My Life where he pits talents with the legendary Vilma Santos. “Kakaiba siyang challenge kasi natutuwa ako na napagbibigyan akong gumawa ng mga proyektong katulad nito.” In My Life is a far cry from the feel-good movies (A Very Special Love and You Changed My Life) that Lloydy has been doing lately. Tinatalakay ng nasabing pelikula ang masalimuot na mga ugnayan ng tatlong nilalang (John Lloyd, Vilma and Luis Manzano) na umiikot sa usapin ng homosexuality. “Sensitibo ang topic ng pelikula,” lahad pa ng aktor.

At isa nga sa bagong endorsements ni Lloydy ay ang Aficionado/Joel Cruz Signatures. Sa August 19 ang grand launch ng aktor at pito pang ibang celebrity endorsers ng nasabing perfume and body care line ng pamosong negosyanteng si Joel Cruz. “Tapos na ang pictorial namin attuluy na tuloy na nga ang pagiging member niya ng Aficionado/Joel Cruz Signatures family,” excited na pahayag ng tinaguriang Lord of Scents.