Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com
Bumilib kami sa set ng Noah nang bisitahin namin ito last Friday afternoon dahil gumawa sila ng sariling jungle sa isang warehouse sa Quezon City. In fairness, ang ganda ng gubat at parang totoo talaga.
Ang biro nga ng press sa direktor na si Malou Sevilla, mukhang mala-Holywood film na Avatar ang serye pero aniya ay “shades of” lang naman daw ito ng nasabing US film at huwag daw i-compare dahil wala silang ganu’n kalaking budget.
Ang nasabing improvised jungle ay siyang tirahan ng mga ungta o taong unggoy pero may totoong gubat talaga silang pinagte-taping-an sa Subic.
Nang dumalaw nga kami sa set ay wala ang bidang si Piolo Pascual dahil nasa unit 1 daw nga ito sa Subic na dinidirihe naman ni Lino Cayetano.
Sa unit 2 ay si Zaijian Jaranilla ang aming nakapanayam at matutuwa ka sa bagets dahil madaldal na ito at makulit unlike in May Bukas Pa days na medyo mahiyain pa sa press.
Ibig lang sabihin nito ay nasasanay na si Miracle Boy sa showbiz at keri na niyang sagutin ang mga pang-uurirat ng reporters.
Pero heto na ang naka-katuwang parte. Natanong si Zaijian kung nakikita ba niyang dumadalaw si KC Concepcion kay Piolo at buong ningning na umamin ang bagets na dumalaw nga raw ang young actress sa unit 2.
Sigawan ang mga kasa-mahan sa hanapbuhay at say nga namin, mabuti pa ang bata at masarap inter-byuhin, hindi marunong magsingungaling.
Anyway, ayon kay Zaijian ay mabait daw katrabaho si Piolo. Isang beses pa lang silang nag-taping at first time ring gaganap ng father role ang hunk actor sa isang teleserye.
Ibang-iba naman ang role ni Zaijian sa May Bukas Pa kung saan siya unang nakilala at sumikat kaysa rito sa Noah. Jungle boy siya rito, nakahubad siya at natatakpan ng tinahing sako na parang palda ang lower part ng katawan niya.
Sanay na rin siyang maglambitin sa baging at maliksi siyang kumilos dito. Nang tanungin kung saan siya mas nahirapan, sa una o pangalawang serye niya, aniya ay sa May Bukas Pa.
“Kasi po, sa May Bukas Pa, iyak ako nang iyak,” sagot niya.
At eight years old, bi-bilib ka kay Zaijian dahil nakapundar na siya ng bahay at lupa. May sarli na rin siyang computer shop na may 12 sets of computer. Wala pa raw siyang sasakyan dahil inuna niya ang house and lot at isa pa, may service naman daw na pino-provide ang ABS-CBN kapag magre-report siya sa set.
Mapapanood na ang Noah ngayong Hulyo kapalit ng Kung Tayo’y Magka-kalayo at kasalukuyang pinaghihirapan ng buong produksyon ang madugong pilot episode.