![](http://www.abs-cbn.com/Portals/0/Showbuzz/071910-willie.jpg)
Matatandaang noon Miyerkules, July 14, naglabasan ang mga bali-balita na diumano ay babalik na si Willie sa Wowowee matapos ang kanyang pagkawala sa kanyang show noong Mayo matapos niyang hamunin ang segment host na si Jobert Sucaldito at ang ABS-CBN management on national TV.
Itinanggi naman ng ABS-CBN management sa pamamagitan ni Corporate Communications head Bong Osorio na babalik na si Willie sa Wowowee at sinabing pawang ispekulasyon lamang ang mga bali-balitang pagbabalik ng host sa programa. Dagdag pa ni Osorio mag-uusap pa umano ang management at ang controversial host kung ano ang kanyang mga susunod na proyekto pagkatapos ng kanyang bakasyon. Samantala, sinabi sa TV Patrol na wala pa ring napag-uusapan at napagkakasunduan ang magkabilang kampo habang isinusulat ang balitang ito. Sinigurado naman ng management na maglalabas sila ng anunsyo hinggil sa isyu sa takdang panahon.