THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, July 11, 2010

EXCLUSIVE HERE: Jiro Manio inireavealed ang Kanyang 2 year old Daughter!; May ANAK na!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com
http://s11.bdbphotos.com/images/orig/c/f/cfvqxln2hi30c0vh.jpg
OMG! Nagsalita na sa wakas ang teen actor na si Jiro Manio tungkol sa pag-quit niya umano sa showbiz. Ang rason pala nito ay may 2-year-old daughter siya with a non-showbiz ex-lover na four years older than him!

Sinabihan pala siya ng Star Magic ng ABS-CBN na huwag magkwento tungkol dito o ipagsabi sa kahit kanino.

"Sixteen lang kasi ako noon. Mahal ko ang girlfriend ko. Yun lang ang nasa isip ko noon. Hindi ko nga inisip ang mga puwedeng mangyari sa akin noon. Nagmamahalan kami talaga kaya nangyari yung hindi pa dapat na mangyari. Kumbaga, nagmadali kaming pareho at nagkaroon nga kami ng baby."

"May problema ako sa family ko, may baby ako, nag-aaral pa ako, at may trabaho ako. 'Tapos pumapasok pa yung personal problems ko, tapos yung mga tanong ng maraming tao tungkol sa akin. Doon ako nahirapan at parang pagud na pagod na ang utak ko.

"Ayoko nang mag-isip at hindi ko na alam kung sino ang papakinggan ko kasi ang dami na nilang nagsasalita sa akin. Hanggang sa umayaw na ako. Bumigay na talaga ako. Ayoko nang magtrabaho talaga dahil naguguluhan na ako. Naglayas ako ng bahay namin. Gusto kong magpakalayo kasi ang gulu-gulo na."

Kaya siya biglang natanggal sa TV series na Tayong Dalawa ng ABS-CBN. Hindi na siya dumarating sa mga tapings nito kaya pinatay na lang ang character niya. Naging unprofessional din siya sa ibang trabaho para sa naturang network kaya binitiwan na siya ng management nito.

It's also surprising to know na ni-reveal niya ang kanyang story sa Showbiz Central, at hindi sa The Buzz.