“Love Ko si Mister, Love Ko si Misis” ang bagong morning talk show sa GMA-7.
Ang hosts sa nasabing programa ay ang mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. May ilang tv commercials na rin ang mag-asawang Carmina at Zoren pero wala pa silang tv show na magkasama bilang mag-asawa. Ngayon, matutunghayan natin kung paano mag-host ang mag-asawa sa isang programa na pang-mag-asawa rin.
Si Louie Ignacio ang magiging director ng “Love Ko si Mister, Love Ko si Misis.”
Di kaya ito ang ipalit sa “Diz is It”?