Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog
NAGTATAKA ANG MARAMI kung bakit daw hindi kayang ipagsigawan ni Piolo Pascual sa buong mundo na mahal nga niya si KC Concepcion. Halos pagpawisan na nga nang husto ang aktor na parang nasa hot seat nang sumalang sa interview ni Toni Gonzaga para sa segment na TGIS (Toni Gonzaga’s Investigative Statement) sa The Buzz recently.
Yes or no lang ang hinihinging tugon ni Toni kay Piolo, hindi talaga makasagot ang aktor. Pangiti-ngiti lang na ang tanging nasambit: “Kung sasabihin ko ‘yon, mas gusto kong sabihin sa kanya kesa sa harap ng maraming tao.”
Ganyan?
Hindi kaya maging minus pogi points ito kay Piolo sa paningin ni KC? Siyempre ang mga babae, mas gustong marinig ngang kayang ihayag ng lalaki ang pagmamahal sa kanila sa harap ninuman, anumang oras, at maski saan. At ‘yong kaya itong panindigan hindi lang sa salita kundi pati sa gawa.
Hindi rin maiwasang may mga magtanong kung gaano ba talaga ka-sincere sa kanyang hangarin si Piolo para kay KC. Si Toni rin, nausisa ang aktor kung paano nga ba ia-assure ng binata na aalagaan ang dalagang anak ni Sharon Cuneta.
Sagot ni Piolo: “If one year is not enough, then I guess… tinatrabaho iyan, eh. And I’m working for it.”
Si Toni, sa softdrinks commercial kung saan una siyang napansin, nagawang isigaw nang buong ningning ang “I love you, Piolo!” Si KC naman daw kaya, kailan din magagawang isigaw iyon?
Si Piolo muna ang sa tingin naman ay dapat isigaw nang bonggang-bongga ang “I love you KC!” Dapat lalaki ang nauuna at hindi ang babae, ‘di ba?