THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, August 17, 2010

Banta sa Kapuso, pag kinuha si Willie Revillame, Joey magri-resign sa GMA 7

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog


Malakas ang ugong na nagkakaroon na ng interes ang GMA 7 na saluhin ang tv host na si Willie Revillame.

Ito ay matapos mag-issue ng statement kamakailan lang ang GMA na wala raw silang offer sa tv host na pinarusahan ng ABS-CBN dahil sa kabastusan nang hamunin ang nagbigay sa kanya ng kayamanan.

Lalo pang marami ang nag-isip dahil sa mahabang interview ni Mike Enriquez ng 24 Oras kay Revillame last Friday night na live sa bahay nito kasama ang kanyang abogado.

Wala naman daw bagong sinabi ang nasabing tv host na nagdeklara last week pa na wala na siyang kontrata sa Dos kahit malinaw pa sa sikat ng araw na hanggang September 2011 pa siyang nakatali sa dati niyang home studio.

Binibigyan naman siya ng show, ayaw nga lang daw ni Revillame kaya walang lusot na wala siyang offer, at ang sinasabi niya ngayon ay puwede na raw siyang makipag-deal sa ibang channel kaya may nagsasabing iniisip daw ng GMA na i-consider si Revillame.

Saan kaya siya ilalagay eh kalilipat pa lang ni Edu Manzano?

Anyway, bakit nga kaya live siya sa 24 Oras?

Nakatulong naman kaya siya sa rating ng news program ng GMA 7?

Matapos mag-live sa Friday edition ng 24 Oras, ipinalabas na naman kagabi ang nasabing interview ni Revillame sa weekend edition ng nasabing programa sa GMA 7. Kaya ang feeling ng marami, baka nga nagbago na ang isip ng Kapuso channel? Baka type nilang maging tagasalo?

Kaya lang, balitang may banta si Joey de Leon oras na kunin ng kanyang home studio ang matindi niyang kalaban, magri-resign daw si Joey.

Kahapon, hindi na napanood si Joey sa Startalk.