THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, August 17, 2010

'Simply KC' Mamaalam na sa Ere this August 27! Goodbye!

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog

Hanggang Agosto 27 na lang ang Simply KC ni KC Concepcion. Bago pa man simulan ang morning show ng panganay ni Sharon Cuneta ay malinaw na sa lahat na isang season lang ang itatakbo nito.



Ayon sa staff, na-extend pa sila ng one week. Bale 14 linggo ang itatakbo ng Simply KC kasama na ang last two weeks.

Simula ngayong araw na ito rin ay 9:30-10:00 AM na ang timeslot ng Simply KC at susundan ito ng Kapamilya Blockbuster at Showtime. 1:30 PM na ang Pilipinas: Win na Win.

Ayon sa isang staff ng Simply KC, hindi sila umaasam na ma-extend ang morning show nila dahil sobrang matrabaho ito.

Bukod sa studio taping nila, marami rin silang outside shoots na kumakain ng maraming oras ni KC.