THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Saturday, August 7, 2010

Robin Padilla to Mariel Rodriguez: "Mahal Kita"

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog





Finally, kanina sa E-Live ay nangyari na ang paghaharap nina Mariel Rodriguez at Robin Padilla kung saan, isa-isa nilang sinagot ang mga intriga about their alleged relationship. Sa interview ay paulit-ulit na sinasabi ni Robin na hindi pa siya sinasagot ni Mariel, pero inamin ng dalawa na ang controversial diamond ring na suot ni Mariel (na napansin ni KC Concepcion when she guested on The Buzz) ay bigay ni Robin sa kanya. Gift lang daw ito from Robin, at hindi engagement ring. Hindi rin daw totoo ang kumakalat na balitang lihim na silang nagpakasal. Basta based sa usapan ng dalawa kanina, alam na alam mong super in love sila sa isa't isa. Lalo na si Robin na sa start ng interview ay hindi makatingin kay Mariel, "baka mahalikan kita eh!" ang naging dahilan niya when Mariel asked him. Sinabi rin ni Robin na si Mariel para sa kanya ay isang diamond, matibay at ang kinang ay forever. Kasabay din ito ng diretsahang pagpapahayag ng Idol ng Bayan na gusto niyang pakasalan ang E-Live host. Grabe ang kilig kanina! Kaya ang lahat ngayon, ang next na aabangan : ang tuluyang pagpapakasal na ng dalawa!




Thanks Roch Veron for the E-Live photos!