THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, October 20, 2010

Marian Rivera nag walk-out dahil insecure sa magandang costume ni Pokwang sa 'Super Inday and the Magic Bibe'???!



http://s3.hubimg.com/u/1326378_f248.jpg

Kundi nalinaw ng Regal Films, may controversy na naman sanang puputok tungkol kay Marian Rivera na hindi nito alam. Natsikang nag-walkout ang actress sa set ng Super Inday and the Magic Bibe dahil na-insecure daw sa mas magandang costume ni Pokwang.

‘Yun naman pala, hindi pa nakikita ni Marian ang costume dahil sina Roselle Monteverde at Manny Valera na supervising producer palang ang nakakita at ang dalawa ang nag-disappprove sa costume at sila lang ang nakakaalam kung bakit.

May kung sinong taong pinanggalingan ng maling tsismis na mabuti’t nakorek agad. Ang natatandaan namin, ang request ni Marian ay ‘wag masyadong ipareho sa costume niya sa Darna ang susuutin niya sa Super Inday para hindi makumpara.


Courtesy: Nitz Miralles
(Pilipino Star Ngayon)
via LionhearTV