MUKHANG NGAYON PA lamang ay nabigyan na ng linaw ang hula ni brother Arman Cuban tungkol sa pagkatsugi nitong Pilipinas Win na Win (PWNW) sa ere. Kumakalat na kasi ang chikka na kapag hindi pa rin tumaas ang rating ng noontime show sa loob ng isang linggo, matatapos na ito sa November 27, 2010. Ilang buwan na ring ipinaglaban ng Dos ang programa, ngunit kung hindi nga naman talaga patok sa masa ay wala na silang magagawa.
Nakatakdang pumalit ang programang halos kaparehas lang din ng format ng PWNW na pinamagatang Shoutout, kung saan ang kaibahan lamang ay mga bagets na ang hosts tulad nila Enchong Dee, Erich Gonzales, Sam Concepcion, Roby Domingo at dalawa pang bagets na hindi pa masyadong kilala.
Mukhang hindi umubra sa masa ang karisma ng mga mashushunda kaya nag-shift na sa mga kabataan. Makaya kaya nila ang hamon pagdating sa rating? Ano na lamang ang mangyayari sa mga naiwang hosts ng PWNW? Ang balita ko ay itong si Pokwang ay magkakaroon daw ng sariling niyang show, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin sinasabi kung ano ang title.
Buti pa si Pokie ay may paglalagyan, hindi katulad nitong si Valerie Concepcion na ‘di na tiyak kung saan lulugar lalo na ngayong hindi na siya maaaring sumama kay Willie Revillame sa Willing Willie katulad ng mga ginagawa ng natsutsugi sa noontime show. Abangan na lamang natin ang mga susunod na kabanata para sa mga katanungang ito!
Reposted Courtesy: Pinoy Parazzi to Column Ooola Chika by Tita Swarding