HINDI RAW MAAARING mamalik-mata ang kasama naming manghuhula sa Tweetbiz who calls himself Mr. E (If pronounced snappily, may tunog nga namang “mystery”), pero tukoy na tukoy niya ang aktres na nakasalubong niya papasok ng Baclaran Church noong Biyernes ng umaga: si Gretchen Barreto.
Pahakbang daw si Mr. E sa pintuan ng naturang simbahan ay siya namang papalabas si Gretchen clad in white dress, may tangang puting payong at ineeskortan ng kanyang mga bodyguard. Kilalang puntahan ang Redemptorist Church ng mga artista, oftentimes during unholy hours to elude public attention if not mobbing crowd.
Siyempre, nakilala si Gretchen (in broad daylight ba naman) na dinaluhong ng mga bagets peddling their sampaguita leis. At that juncture ay halos within an arm’s length lang ang layo ni Mr. E sa aktres, kung kaya’t naringgan daw niya ito nu’ng magdayalog ng: “Guard, can you please clear my way? Ayoko nang hinaharangan ako!” Gretchen’s men obliged.
Nag-flashback tuloy sa aking kamalayan ang noo’y natsismis nang pagsusungit ni Greta when she hopped inside an elevator of an imposing building in Makati City years ago. May nakasabay raw kasing sosyalerang matron ang hitad whose sight she could not stand, kung kaya’t naglinya ito sa kanyang mga bodyguard na: “Can you please get this woman out of the elevator?”
But poor Greta, hindi raw kasi ‘yon pinalampas nu’ng babae who snapped back: “Can you please get this woman out of my building?!”
Ewan kung urban legend lang ‘yon, but even if it’s a myth… it’s so very Gretchen Barretto!
Reposted Courtesy: Pinoy Parazzi to column Pepperoni by Ronnie Carrasco III
Photo Courtesy: StyleBible.ph