THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Saturday, November 13, 2010

Talent Fee ni Shalani Soledad, Milyon-Milyon ang Halaga!; 'Willing Willie' mag totour nationwide at worldwide!; 'Willing Willie' mapapanood na sa Internet for Filipino Abroad!


Hataw sa taas ng rating ang pagiging co-host ni Shalani Soledad sa programang Willing Willie ni Willie Revillame. Buong pusong tinanggap ng masang Pinoy ang dalaga sa unang araw pa lang nito sa ere. Maganda ang naging feedback sa tandem ng dalawa kahit medyo nangangapa pa ang dalaga. Kita namang may chemistry sina Willie at Shalani, ang lakas ng impact sa mga manonood maging sa loob ng studio.



Heart & Soul kung i-describe ni Willie ang team-up nila ni Shalani sa show. Bukod sa pagiging co-host ng Konsehala, may segment pa siyang kakatok sa bahay-bahay para mabiyayaan ang mga kapatid natin na nangangailangan ng tulong.

Sa mga nang-iintriga kay Shalani, kaya raw tinanggap nito ang offer dahil sa milyones na binayad sa kanya ng network.

“Yung sincerity ng offer kaya ko po tinanggap na maging co-host ni Willie,” simpleng sagot ni Shalani.
Binigyang linaw ni Willie ang tungkol sa issue. Nang tanggapin ni Shalani ang offer, hindi raw nagtanong ang dalaga kung magkano ang magiging talent fee nito sa nasabing show. Hindi nga raw nila napag-usapan ang tungkol dito. Ang gusto lang ni Shalani hawak kamay sila ni Willie na makapagbigay-saya sa publiko at makatulong sa mga mahihirap.

Ang sabi lang daw ng dalaga, “Bagay ba ako sa programa?” Say naman ni Willie, “Bagay na bagay ka sa programa.”

May kontra bang pinirmahan si Shalani sa TV5?

“Depende kay Shalani, it’s her call kung gusto niyang magkontrata for assurance. Ang kontrata naman kapag ayaw mo, ayaw ng isa sa inyo parang bale wala rin. Kasi kung hindi ka na masaya, may kontrata nga ako sa ‘yo hindi na ako masaya, ano ang gagawin mo? Hindi mo na ako pagtratrabahuhin, paano na ang buhay ko?”

Ngayong celebrity nang matatawag si Shalani, nakalinya na ang product endorsements na gagawin niya plus TV commercial. Bago pumutok ang balita tungkol sa pagiging co-host ng ex-girlfriend ni PNoy. Naunang napabalita na kinukuha ng controversial TV host si Venus Raj para maging co-host niya sa show. Ano na nga ba ang nangyari?

“Plano ko kasi masa rin si Venus, may negotiation sila ni Boss Vic del Rosario pero may commitment pa sa Bb. Pilipinas. May mga schedule pa siya. Mahirap pilitin ang isang bagay. If you notice, si Shalani walang plano. Just like that, tapos na. Monday heto na siya. I think it’s God’s will. Sa ngayon mahirap pa makasama si Venus dahil may one year commitment pa siya,” paliwanag ng TV host/actor.

Masayang ibinalita rin ni Willie na magkakaroon ng show abroad ang Willing Willie sa Canada.

Naka-schedule kasi ‘yung international ng TV5 na magsisimula ng January 2011. Mapapanood na sa internet ang nasabing program. Magtu-tour muna ang grupo sa buong Pilipinas bago sila umikot sa buong mundo next year.
Written Reposted Courtesy: LionHearTV and Inquirer.net