THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, November 16, 2010

Willie Revillame Inaawitan si James Yap na maging host ng 'Willing Willie'?; Willie kinakalaban si Kris Aquino?


http://t2.gstatic.com/images?q=tbn:DCaO-uYAyxmuxM:http://img691.imageshack.us/img691/5058/ent3i.jpg&t=1

OLA CHIKKA! MUKHANG maging ang bagong show ni Willie Revillame sa Singko na Willing Willie ay mag-iiba na rin ng format?! Ha-ha-ha! Ayun ay biro lamang, dahil nga sa nabasa kong chikka na matapos kuning host si Shalani Soledad ay kumakalat na rin ang balitang maging si James Yap ay inaawitan na rin ng Willing Willie upang maging kabilang sa mga hosts ng nasabing show.


Ilang gabi ko na ring nasaksihan ang hosting ni Shalani, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako
satisfi ed at hindi pa rin niya napapatunayang may karapatan siya bilang maging isang host. Tulad na lamang kapag nagho-host si Willie, quiet on the side lang siya, hindi man lamang humirit para maging mas masaya at energetic ang mga viewers.

Tapos ngayon, pati si James ay idadagdag n’yo pa? Ano na lamang ang kahihinatnan ng show n’yo kung
dalawang pagkahihinhin na nilalang ay pagsasamahin n’yo? Siguro nga, madadala ni Willie ang programa, pero ‘di pa rin sapat iyon. Dahil tulad ko na lamang kapag hindi ko nagugustuhan
ang pagho-host nila, agad-agad ko ng inililipat ng channel, eh.

At tsaka bakit ganu’n? Bakit lahat na lamang ng nali-link kay Kris Aquino ay isinasama nila sa programa? Nananadya nga ba silang talaga o nagkataon lamang?

Hmmm… Ano man ang dahilan nila, para sa akin ay hindi nababagay ang dalawa sa pagho-host, at kung ako sa kanila, mag-concentrate na lang sa kani-kaniyang mga career. ‘Di ba?!

 Photo Courtesy: Phil Star
Written Reposted Courtesy: PinoyParazzi.com (Tita Swarding Column)