Nagpapayat ngayon si Alfred Vargas na kalilipat lang sa Kapamilya Network matapos ang ilan taon niyang pananatili bilang isang Kapuso. Medyo nananaba kasi siya habang kasagsagan ng kampanya noong nakaraang eleksyon.
Dapat ay kasama siya sa bagong serye ni Marian Rivera sa GMA7 na "Amaya" pero tinanggihan ito ng kanyang manager na si Lolit Solis at pinili ang offer ng ABS-CBN ma "Mutya" dahil hindi pipitsugin ang kanyang character dito.
Hindi pa nagsisimula ang teleseryeng "Mutya" kaya mapaghahandaan pa niya ito. Malusog kasi ang pangangatawan niya noong Trade Launch at mukha namang kakayanin para sa pagsisimula nito next year.
Courtesy: LionhearTV