![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgWahIJ9h5ahVlwBIpuUoCuOJQ-myz2JWvSMi3Zpxrd3oieKUQW-tp64X76qhboZT59tAsU0UqTAT0IYc6n8I2WQquqa4nySiP23JL7b2oGbAg6hXty9Dm3i73pD22brr47fcBRT218KnB4/s1600/amaya+talaga.jpg)
Wala pa ring mahanap na leading man para kay Marian Rivera sa epic serye nitong Amaya. Parehong hindi natuloy ang dalawang ABS-CBN actors na kinonsider for the role for different reasons. Si Actor A ay naka-isang meeting lang daw sa GMA 7 at nagbago ng isip at nag-decide to stay with ABS-CBN.
Si Actor B ay okay na sana at nagustuhan siya at nakitang babagay kay Marian, pero nagpaharang daw sa ABS-CBN at muling pumirma sa network. May dalawang Kapuso actors naman na nag-audition para maging leading man ni Marian, kaso parehong hindi nakapasa, although ‘yung isa sa kanila’y bagay pa ring masama kahit hindi na leading man.
Courtesy: LionhearTV