Hindi pa man natatapos ang dalawang kasong isinampa laban kay Willie Revillame , ito na naman at nangangamoy gusot na naman sa bagong programang "Willing Wiillie" ng TV5.
Ayon sa mga bulung-bulungan, nagbabalak daw magresign si Councilor Shalani Soledad sa nasabing programa pagkatapos tanggihan mismo ni Willie ng humingi sa increase ng talent fee ang butihing konsehala.
Ang monthly talent fee nito ay Php500,000.00 a month at gusto sanang humingi ng increase papuntang Php800,000.00 a month ngunit hindi nga ito sinang-ayunan ni Willie Revillame.
Ayon pa sa kampo ng konsehala, humihingi sya ng increase dahil ang palagay nya'y siya ang dahilan kung bakit pa pinapanood ng mga tao ang nasabing programa.
Taliwas sa mga press release at pinapakita sa show na they are playing sweet music, ngunit kabaligtaran pala ang tunay na nangyayari.
Matatandaang si Willie mismo ang pumili kay Shalani para maging co-host nito sa Willing Willie.
Matatapos na ang taon at talagang humahabol pa ang mga problema sa nasabing show.
Courtesy: Showbiz Spotlight