THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Wednesday, December 1, 2010

WILLIE REVILLAME, NAGPAPAAWA!!!



      Tama ang kaibigang Vinia Vivar, parang aping-api si Willie Revillame sa mga nang­yayari sa kanya. Para bang pinagtutulungan siya at nagsusumbong sa kanyang nanay at tatay matapos siyang sampahan ng P127M Copyright Infringement Case sa Makati RTC ng ABS-CBN na nagkaroon ng unang hearing kahapon at dinagsa ng mga mandurukot. 

http://www.brinknotes.net/wp-content/uploads/2010/10/Willie-Revillame-tv5-300x200.jpg 

Parang inosenteng-inosente siya na nakaputi pa ng damit.

Parang hindi niya rin alam na parehong-pareho sa kanyang nilayasang programa sa ABS-CBN na Wowowee ang programa niya ngayon sa TV5 na Willing Willie.

Actually, hindi na naman talaga puwedeng ilihim ‘yun. Nung minsang masilip namin ang programa, oo nga parang nanonood ako ng ABS-CBN. Ang kaibahan lang, wala pang maraming commercial ang programa niya sa TV5 kumpara sa ABS-CBN na tambak ang commercials noon.

Ang bilis naman kasi niyang makalimot. Parang ‘di niya maalala na ang perang puhunan niya ngayon sa pagpo-produce ng kanyang Wil Productions ay galing sa prog­ramang Wowowee ng ABS-CBN.

Nagkaroon siya ng milyung-milyong ipon, magagarang kotse, island sa Mindoro, magagandang bahay at kung anu-ano pang ari-arian dahil sa nasabing programa tapos siya pa ngayon ang inaapi.

Eh saan nga ba galing ‘yun? Di ba nang bigyan siya ng break ng ABS-CBN sa prog­ramang Wowowee?

‘Yun ngang ginagawang building ni Willie Revillame, nilagyan pa nila ng higanteng billboard ng programa niya sa TV5 sa mismong harap ng building ng Dos. Kung hindi ba naman nang-iinis talaga di ba?

Pinalalabas din ngayon ng kampo ni Willie na naghihiganti lang ang ABS-CBN sa nangyari. Pero agad sumagot ang Dos sa pamamagitan ng isang statement :

“Ang ABS-CBN ay nagsampa ng kaso para maprotektahan ang karapatan nito sa ilalim ng batas. Hindi ito paraan ng paghihiganti sa kahit na sino man. Ang infringement ng intellectual property rights
ay isang seryosong kaso na maihahalintulad natin sa pagnanakaw. Para rin itong plagiarism na mariin ding ikinokondena ng publiko.

“Lehitimo at may katuwiran ang kasong isinampa ng ABS-CBN at ipaglalaban pa rin ito sa korte.”

Si Mr. Bong Osorio, Head, ABS-CBN Corporate Communications, nakapirma sa statement.

Bukas, Huwebes ang susunod na hearing para sa nasabing kaso ng ABS-CBN laban sa kanilang da­ting alaga kaya abangan natin ang kahihinatnan ng kaso dahil mismong si Marilou Almaden, ABS-CBN executive ay tumestigo na hindi lang naman si Willie ang nag-iisang bumuo ng Wowowee kaya hindi niya puwedeng angkinin na sa kanya ‘yun.

“Willie was not the only one who put the show together… Hindi namin siya pinipigilang lumabas sa kanyang programa, huwag lang gamitin ang konsepto ng Wowowee dahil ABS ‘yon. Come up with something unique naman,” sabi ng head counsel ng ABS-CBN na si Bong Susmero.


Courtesy: Salve de Asis via Pilipino Star Ngayon