Ang kuwentong nasagap namin, nagte-taping ang production ng Minsan Lang Kita Iibigin ng ABS-CBN sa Baguio, nang mag-hyperventilate si Andi sa isang eksenang kinukunan sa kanya. Sa nasabing eksena, nakasukbit daw ang isang mabigat na military bag sa likod ni Andi at bitbit ang isang tunay na M-16 rifle, habang tumatakbo ito. Hindi na raw kinaya ni Andi ang tindi ng “military training” scene kaya’t nabigla ang muscles nito, na nagresulta nga sa pagkakasugod sa kanya sa ER ng ospital.
Susme naman! Sa bigat ng military training at sobrang lamig na nararanasan ngayon sa Baguio, sino ba naman ang hindi mamimitig ang mga maskels sa katawan? Nito nga lang mga nakalipas na araw, umabot na sa pinakamababang temperaturang naranasan ang Baguio sa 9.8 degrees celsius.