Dolphy has 4th stage Lung Cancer (pwera sa akin, pwera sa family ko at pwera sa ating lahat)... at alam mo ba winish ni Sir Dolphy na magkaroon sila ng family reunion last Holiday season dahil sa 4th stage na nga ang kanyang sakit (pwera sa akin, pwera sa family ko at pwera sa ating lahat)
At alam ninyo ba na iilan lang ang taong nakakaalam na may sakit siya. Maski na ilan sa kanyang kamag-anak ay di alam ang kalagayan niya. Nalaman lang nila nang sabihin ito sa kanila sa nasabing reunion at lahat sila ay di napigilang umiyak. :(
Kaya nga ni-request ko sa lahat na panoorin ang "Father Jejemon" bilang ito na ang kanyang last Film (dahilito ang kanyang sinasabi sa mga interviews). Ginawa ko ang request upang pagbibigay galang at respeto sa ating Hari ng Komedya, at para mabawasan ang sakit na kanyang nararamdaman, syempre pag artista ka masarap sa pakiramdam na malaki kita ng pelikula mo na mahal ka pa rin ng mga tao. Kaya bwiset na bwiset ako doon sa mga grupo na nagpapakalat ng mga text messages na huwag panoorin ang pelikula ni Sir Dolphy. Hello, di niya sinasadya iyon at humingi na siya ng sorry at saka mayroon yata silang Pari sa set to tell kung ano ang mali at tama, pero ang Paring ito ang pumalpak.
Itinago ko ang balitang ito, dahil bawal ipaalam. Itinago ko dahil sa ginagalang at nirerespeto ko si Sir Dolphy. Kaya ko ngayon binalita, dahil nabalita na o na-isahre ng ibang kamag-anak ni Sir Dolphy. Nakakaloka nag Pinoy Parazzi kasi ginamit nila ang word na TANING, ayoko ng word na iyon dahil naniniwala ako na may himala pa.
Kahit sa kanyang kalagayan ay hinde niya ginamit ang kanyang karamdaman para kumita ang kanyang pelikula. Itinago niya ito sa marami dahil ayaw niyang lumungkot ang mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanya. Ganyan tayo kamahal ni Sir Dolphy!!!
Sana patuloy nating ipagdasal na sana ay may Himalang mangyari sa kanya. Isa syang napakabait na tao. Maraming Salamat Sir Dolphy sa lahat-lahat!!!
Courtesy: ByxBuzz