Dalawang gabi na ngang hindi nakikita sa Willing Willie ni Willie Revillame sa TV5 ang mga babaeng dancers, bagkus ang kanilang choreographer na si Anna Fileciano ang humalili muna sa mga ito simula noong Miyerkules.
Umabot kasi sa kaalaman ni Willie ang hindi pagkakaunawaan ng ibang WW.Girls na kung saan ay nag-aaway at nagpapatutsadahan na nga ang mga ito sa twitter. Kaya ang aksyon ni Willie, hindi muna sila pinagsayaw hanggang hindi nila natututunan ang kanilang leksyon at nagkakaayos. Hanggang dressing room lamang sila ng nasabing programa.
Sa isang banda naman ay patok na patok naman sa audience at sa manonood ang one-woman show ni Anna na syang gumagawa ng routines na ginagawa ng mga dancers. Tila wala syang kapaguran.
Courtesy: Showbiz Spotlight