Join din sa cast sina Paolo Contis, Rochelle Pangilinan, Roxanne Barcelo, Ana Capri, AJ Dee, Roy Alvarez, Irma Adlawan, Buboy Villar, Kristoffer Martin, Rob Sy, Rocky Salumbides at Perla Bautista.
Kasama sa cast, pero wala sa presscon sina Cong. Lani Mercado, Daniel Fernando, Sheena Halili, Ayen Laurel at Gina Alajar.
Kasama sa cast si Glaiza de Castro sa role ni Binayaan, half-sister ni Amaya, at in-assure ang kampo nito na bida role ang gagampanan nito at may eksenang kakanta rin siya.
Grateful ang dalaga sa pagsama sa kanya sa biggest and most expensive teleserye ng GMA-7.
Sa second week ng March sisimulan ni Direk Mac Alejandre ang taping, sa Pangasinan ang location at may studio set-up dito sa Manila.
Sa May naman ang airing ng Amaya.
Courtesy: LionhearTV