THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, February 27, 2011

Cristine Reyes says she and boyfriend Rayver Cruz are still affected by the issue concerning Sarah Geronimo!


http://1.bp.blogspot.com/_pomynr5O_fo/TMT4443pwpI/AAAAAAAAASE/3WQA2om3oq0/s1600/Cristine-Reyes-gallery-5.jpg
Pinaninindigan ni Cristine Reyes na hindi sila nagsabay ni Sarah Geronimo na maging girlfriend ng current boyfriend ng sexy actress na si Rayver Cruz. Sa panayam sa kanya ng The Buzz, sinabi ni Cristine na break na sina Rayver at Sarah bago naging sila ng aktor. “Kung wala naman pong nangialam hindi naman po mangyayari ‘yon, kasi hindi naman intensyon ng tao (Rayver) na pagsabayin talaga. And paano pagsasabayin, naging kami September 14. I think nag-break sila (Sarah at Rayver) summer last year,” paglilinaw ni Cristine. Dagdag pa ng sexy actress, napatunayan naman niyang wala siyang kasalanan sa paghihiwalay nina Rayver at Sarah.

Naitanong din kay Cristine kung nagpapasaring pa rin siya kay Sarah sa kanyang Twitter account ngayon matapos ang kanyang mga pasaring kay Sarah noong Disyembre ng nakaraang taon. Ani Cristine, marahil nag-iisip lang ang ibang tao ng ganon pero nilinaw niya na hindi niya pinapasaringan ang Pop Star Princess.

Hindi naman ipinagkaila ni Cristine na apektado pa rin sila ni Rayver sa mga pangyayari, partikular na ang pagsasalita kamakailan ni Sarah at ng kanyang ina hinggil sa pagbi-break nila ni Rayver. “Siyempre hindi naman alam ng mga tao. Hindi naman kami nakikita ‘pag wala sa camera, nasasaktan din kami,” himutok ng aktres. “Tingin kasi ng mga tao porke’t nagalit ka, nakapagsalita ka ng ganong bagay masama ka nang tao. ‘Di naman ganun ‘yun eh. Para sa akin siguro nadaan ko lang sa pulso ko ‘yung galit pero it doesn’t mean na masama kang tao.” Kilala kasi si Cristine sa pagiging prangka at sinasabi kung ano ang kanyang saloobin.

Sa patuloy na paglaki ng isyung kinasasangkutan nila, hangad lamang ngayon ni Cristine na matapos na ang kontrobersiyang ito. “Wish ko lang matanggap na lang po ng iba na masaya na kami. Matanggap nila na wala po kaming kasalanan sa kanila. Matanggap nila na hindi namin ginusto ang mga nangyari before.

“Naiparating lang po namin na hindi nila kami dapat sabihan ng kung ano-ano kasi wala naman po kaming kasalanan. ‘Yun lang po ‘yung sa amin. Tama na. Gusto ko nang matapos ‘yung isyu para tahimik kaming lahat. Nasabi ko na ‘yung dapat kong sabihin, naparating ko na ‘yung gusto kong maparating. Siguro time na para mag-move on na tayong lahat,” mahabang paliwanag ni Cristine.

Samantala, tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag nang tanungin kung may mensahe siyang gustong sabihin kay Sarah.

Courtesy: Push.com.ph