Pero nilinaw ng singer-actress na hindi naging madali ang kanya ang pagsasalita. “Siyempre hindi po madali. Nung una po, ayoko na talagang pag-usapan, ayoko nang mabulatlat pa, pag-usapan ‘yung mga pangyayari pero wala, eh. Masyado na kasing masakit para hayaan ko ang ibang tao na ganituhin ako, ganituhin ang pamilya ko lalong-lalo na, so kailangan ko na rin talaga,” depensa ni Sarah.
Sinabi ni Sarah sa panayam sa kanya ng The Buzz na naudyok siyang magsalita dahil sa pagsasalita nina Rayver at Cristine at para maipagtanggol ang sarili. “Kasi nagsasalita na rin sila. Para naman akong tanga kung ‘di na ako magsasalita. Meron naman akong dila. Karapatan ko rin namang ipagtanggol ang sarili ko, ang pamilya ko,” paliwanag niya.
Dagdag pa ni Sarah, mas gumaan daw ang pakiramdam niya na nailabas na niya ang kanyang saloobin hinggil sa kontrobersyal na isyu. “Masyado mong kino-contain ang emotions mo, wala kang outlet, wala kang mapagsabihan. Mas naging relaxed (ako ngayon). Mas okay po ako ngayon na nakakapagsalita na ako. Hindi tulad noon na itatago ko talaga.”
Mas natuto raw siyang maging matatag dahil sa mga pangyayari. “Ang maganda don natututo tayo sa mga experiences natin, sa mga pagkakamali natin. Ginagawa tayong malakas na tao, kumbaga stronger and wiser. Nagpapasalamat ako sa mga pinagdaanan ko. Sana maintindihan ng ibang tao na ako, na kami, ay mga tao lamang din.” Matagal na rin daw siyang naka-move on mula sa paghihiwalay nila ni Rayver noon.
Samantala, patuloy naman daw ang pagganda ng relasyon nila ng kanyang leading man na si Gerald Anderson sa ginagawa nilang pelikula, ang Catch me...I’m in Love’. “Nabawasan na po ‘yung ilangan. Nahahampas ko na siya. Okay na kami, mas komportable kami sa isat-isa, ngayon lang kami nakakapag-usap,” kuwento ni Sarah tungkol kay Gerald. “Nagulat nga ako sa sarili ko, nabibiro ko na siya, ‘di tulad noon na ‘di ako nakakapagsalita. Kino-contain ko ‘yung tensyon, ‘yung kilig. Ngayon nasasabi ko na at mas masarap pala sa pakiramdam.”
Courtesy: Push.com.ph