THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, February 10, 2011

Dennis Trillo & Jennylyn Mercado will celebrates Valentines Day together!


http://www.usnewslasvegas.com/show_image_NpAdvSinglePhoto.php?filename=/2010/06/IMG_7066.jpg&cat=17&pid=413&cache=false
Bagaman wala pang planong gagawin, siniguro nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na magkasama nilang isi-celebrate ang darating na Valentine’s Day.

Habang tumatagal ay lalo raw nagiging matatag ang relasyon nina Dennis at Jennylyn. Ang hilig nila sa musika ang pinapaniwalaang isa sa dahilan kaya tumitibay ang kanilang pagmamahalan, ayon sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago.

“Meron kaming mga paboritong kanta, mahilig lang kaming makinig pereho. Pero yung pagkanta ng sabay ginagawa lang namin sa Party Pilipinas," pahayag ni Dennis sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.

“Minsan katuwaan lang, ‘pag naglalaro-laro lang," sambit naman ni Jen.

Tila namana naman daw ng kani-kanilang anak ng hilig nila sa musika. Ngayon pa lang daw ay umiindak na ang dalawa kapag nakakarinig ng mga tugtugin.

Si Dennis ay may anak kay Carlene Aguilar, habang nagbunga naman ang pagmamahalan noon nina Jennylyn at Patrick Garcia.

Payag kaya sina Dennis at Jen na maging artista rin ang kanilang mga anak?

“Depende ‘yon sa kanila. Hindi ko maipipilit na gawin yung ginagawa ko," ayon kay Denis.

Si Jennylyn naman, “Pwede na nilang gawin yung gusto nilang gawin pagkatapos ng pag-aaral nila."

Sa Araw ng mga Puso, sinabi nina Jennylyn at Dennis na nais nilang ipagdiwang ito na magkasama.

“Hindi pa naman napagpaplanuhan dahil hindi ko pa alam kung may trabaho ako on that day. Kung hindi man that day, ibang araw na lang siguro. Ang mahalaga ma-celebrate naming magkasama," ayon kay Dennis.

“Wala naman akong hinihingi eh, basta importante magkasama kami, makapag-celebrate kami together," pahayag ng aktres. - FRJimenez, GMA News

Courtesy: GMANews.TV