THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!
Sunday, July 15, 2012
Cinemalaya 2012 Entry: ANG KATIWALA starring Dennis Trillo (POSTER/TRAILER/STORY)
Wednesday, March 28, 2012
SUMMER TIME: Kapamilya leading men lead Yahoo OMG! 21 Hottest Male Celebrities!- LIST
- John Lloyd Cruz
- Coco Martin
- Gerald Anderson
- Derek Ramsay
- Piolo Pascual
- Dingdong Dantes
- Dennis Trillo
- Richard Gutierrez
- Jericho Rosales
- Xian Lim
- Aga Muhlach
- Robin Padilla
- Sid Lucero
- Aljur Abrenica
- Paulo Avelino
- JM De Guzman
- Jason Abalos
- Alden Richards
- Enrique Gil
- Enchong Dee
- Rocco Nacino
Friday, January 27, 2012
Spot.ph's Top 10 Cutest Chinoy Celebrities!- LIST
![]() | ||
| \Note the error for the name of Richard Poon. Photo courtesy: OnlyenchongDee.tumblr.com. |
- Xian Lim
- Richard Yap
- Enchong Dee
- Dennis Trillo
- Chris Tiu
- James Yap
- Joseph Yeo
- Hayden Kho
- JC Tiuseco
- Richard Poon
Saturday, January 21, 2012
GMA-7 New Daytime & Primetime Programs this 2012! (PHOTOS)
HERE ARE THE CONFIRMED NEW DAYTIME AND PRIMETIME PROGRAMS OF GMA-7 NETWORK THIS 2012:
PRIMETIME
![]() |
![]() |
![]() |
Tuesday, December 13, 2011
MMFF 2011 Entry: YESTERDAY TODAY TOMORROW- Official Movie Poster & Full Trailer!
Full Trailer:
Tuesday, October 11, 2011
Box Office Report: My Neighbor's Wife grosses P27.63 Million Pesos in 3 weeks!
CURRENT: P27,628,300 Million Pesos or $631,793 dollars (US $1= 43.618 Philippine Peso-Oct.2)
WEEK 3; PLACED 8TH OVERALL IN WEEKLY BOX OFFICE
Data Provided by: Box Office Mojo
Thursday, September 8, 2011
Tuesday, August 16, 2011
My Neighbor's Wife- Full Trailer; In Theaters September 14!
Starring: Dennis Trillo, Jake Cuenca, Lovi Poe, Carla Abellana, Dimples Romana
Written and Directed by: Jun Lana
Wednesday, August 10, 2011
Sunday, July 31, 2011
Tuesday, July 12, 2011
Saturday, June 18, 2011
STARTRIGA PICKS: "TOP 13 PINOY MALE CELEBRITIES WHO ARE A SINGLE DAD/HAVE A CHILD!"
It's fathers day! Let's honor our great dad, father, itay, tatay, pa, papa, grandfather, uncle, and lord Jesus Christ for protecting, loving, and giving us TLC (Tender Loving Care). But, how about to those dads who are far away from their own child?, who are a single parent?, or have a child but can't be with them? Still, Happy Fathers day to all!
- Coco Martin
- Piolo Pascual
- Jericho Rosales
- Vhong Navarro
- Diether Ocampo
- Dennis Trillo
- James Yap
- Willie Revillame
- Vic Sotto
- Gabby Concepcion
- Paolo Ballesteros
- TJ Trinidad
- Kempee De Leon
Friday, June 10, 2011
Wednesday, June 8, 2011
Friday, June 3, 2011
FIRST LOOK: Jake Cuenca, Dennis Trillo, Carla Abellana, & Lovi Poe stars in Regal Films movie 'My Neighbors Wife'
FIRST LOOK: Jake Cuenca, Dennis Trillo, Carla Abellana, & Lovi Poe stars in Regal Films movie 'My Neighbors Wife'- Soon in theaters!
Sunday, March 27, 2011
Dennis Trillo & Jennylyn Mercado confirmed BREAK UP!
Courtesy: PEP.PH
Tuesday, February 22, 2011
Dennis Trillo renews an exclusive contract with GMA Network!
Thursday, February 10, 2011
Dennis Trillo & Jennylyn Mercado will celebrates Valentines Day together!
Habang tumatagal ay lalo raw nagiging matatag ang relasyon nina Dennis at Jennylyn. Ang hilig nila sa musika ang pinapaniwalaang isa sa dahilan kaya tumitibay ang kanilang pagmamahalan, ayon sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago.
“Meron kaming mga paboritong kanta, mahilig lang kaming makinig pereho. Pero yung pagkanta ng sabay ginagawa lang namin sa Party Pilipinas," pahayag ni Dennis sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules.
“Minsan katuwaan lang, ‘pag naglalaro-laro lang," sambit naman ni Jen.
Tila namana naman daw ng kani-kanilang anak ng hilig nila sa musika. Ngayon pa lang daw ay umiindak na ang dalawa kapag nakakarinig ng mga tugtugin.
Si Dennis ay may anak kay Carlene Aguilar, habang nagbunga naman ang pagmamahalan noon nina Jennylyn at Patrick Garcia.
Payag kaya sina Dennis at Jen na maging artista rin ang kanilang mga anak?
“Depende ‘yon sa kanila. Hindi ko maipipilit na gawin yung ginagawa ko," ayon kay Denis.
Si Jennylyn naman, “Pwede na nilang gawin yung gusto nilang gawin pagkatapos ng pag-aaral nila."
Sa Araw ng mga Puso, sinabi nina Jennylyn at Dennis na nais nilang ipagdiwang ito na magkasama.
“Hindi pa naman napagpaplanuhan dahil hindi ko pa alam kung may trabaho ako on that day. Kung hindi man that day, ibang araw na lang siguro. Ang mahalaga ma-celebrate naming magkasama," ayon kay Dennis.
“Wala naman akong hinihingi eh, basta importante magkasama kami, makapag-celebrate kami together," pahayag ng aktres. - FRJimenez, GMA News
Courtesy: GMANews.TV
Thursday, July 16, 2009
Pauleen Luna, binabanatan ng friends ni Cristine Reyes
PATI AKO, KINUKULIT na rin tungkol kina Dennis Trillo at Pauleen Luna kung talagang sila na raw ba.
Aba! Malay ko ba! Hindi ko naman pinapakialaman ang lovelife ng mga alaga ko. Ang huling narinig ko, mukhang nagpaparamdam pero ayaw naman lagyan ng ibang kahulugan iyon ni Pauleen dahil nu’n pa man ay close na sila.
Pero kung sakaling maging sila man, wala naman sigurong problema dahil matagal na palang break sina Dennis at Cristine Reyes at si Pauleen naman ay gusto na rin yatang magka-boyfriend uli.
Ayaw na lang kasi ni Pauleen magsalita dahil may Adik sa ‘Yo sila at si Jennica Garcia ang ka-loveteam du’n ni Dennis.
Nag-e-enjoy ang alaga ko sa Adik dahil magkasundo silang lahat at type na type niya ang role niya du’n. Kaya lang, ang dami nang nagsasabing mas bagay na ngayon sina Dennis at Pauleen. Minsan nga raw, nahahalatang si Pauleen pa rin ang type ni Dennis at hindi si Jennica na dapat ay du’n na siya ma-in love.
Sinasabihan ko na lang si Pauleen na huwag nang mag-comment sa isyu nila ni Dennis. Di ba dapat ang aktor ang magsalita? Kung may balak nga siyang ligawan si Pauleen, siya na ang magsalita. Pero kung gusto naman niyang sarilinin na lang at hindi na kailangang pag-usapan pa sa publiko, okay na rin iyun. Ang gusto ko lang namang linawin diyan, hindi nakikigulo si Pauleen, Nagtatrabaho lang siya nang maayos at nakikipagkaibigan sa mga katrabaho niya.
Itong ilang mga kaibigan daw ni Cristine ay kung anu-anong ikinakalat laban kay Pauleen. Si Cristine naman daw, mukhang hindi pa nakapag-move on sa break-up nila ni Dennis kaya kung anu-ano ang mga pinagsasabi. Pero mag-ingat siya dahil malinaw na hindi nakigulo si Pauleen sa relasyon nila noon. Problema nila ni Dennis iyun at walang kinalaman diyan si Pauleen.
Naku, ‘day! Malaman ko lang na may mga sinasabi iyang Cristine o mga alipores niya laban kay Pauleen, humanda siya!
KARARATING LANG NAMIN galing Singapore at habang nasa eroplano kami, kung anik-anik na tsismis ang naikukuwento sa akin ng mga katsikahan kong flight attendant.
Ang naloka ako ay tungkol kay Baron Geisler! Talagang kahit saan pala ito ay naglalasing. Walang raw itong ginawa sa eroplano kundi humingi nang humingi ng wine. Nalasing na raw ito sa kaiinom, gusto pa ring tumungga ng alak, pinagsabihan na ito ng flight attendant na hindi na puwede dahil lasing na ito.
Nakilala na kasi nila na masama ito pag nalasing at baka manggulo pa ito sa eroplano kaya hindi na ito binigyan ng alak.
Naku ha! Dapat may gagawin na dito si direk Maryo J. delos Reyes dahil hindi na maganda itong pinaggagawa niya.
Mabuti nga pinagtakpan na lang iyung huling gulong ginawa niya sa shooting sa Bohol. Si Aljur Abrenica pa ang nagmukhang masama du’n kaya dapat nang magsalita na si Aljur.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis
Dennis Trillo at Pauleen Luna, mag DYOWA na!
It’s confirmed. Magdyowa na nga sina Pauleen Luna at Dennis Trillo.
Tiyak na marami sa inyo ang na-shock, no? True ang tsismis, mga kafatid at bago-bago pa lang naman ang kanilang relasyones, as in barely a month pa lang.
Say ng chikadora naming friend, Irog daw ang tawagan ngayon nina Papa Dennis at Pauleen.
Bakit Irog? ‘Yun daw kasi ang tawagan ng dalawa sa kanilang show sa Siyete, ang Adik Sa ‘Yo. Minsan nga raw, nagkamali si Allan K at tinawag niyang Irog si Pauleen habang nagte-text sa Eat Bulaga. Siyempre, laking gulat ng dalaga. Ayun, buking na buking na daw ngayon sa Eat Bulaga family na magdyowa na nga sina Pauleen at Dennis.
I’m sure, shocking Asia ito para kay Cristine Reyes, the ex of Papa Dennis. O baka naman alam na niya or may hint na siya bago siya hiniwalayan ng actor.
We’re saying this dahil sa not-so-friendly gesture ni Cristine kay Pauleen when they saw each other sa FHM event recently. Parang wala raw na-sight ang younger sister ni Ara Mina kahit na they’re just an arm away lang. Inisnab daw talaga ng FHM Sexiest Pinay ang pobreng aktres.
Anyway, maging kami man ay nagulat nang may magtsika sa aming magdyowa na ang dalawa. But later, when we realize na inamin nga sa amin ni Pauleen na may crush siya kay Dennis sa Adik Sa ‘Yo presscon, naisip namin, baka iyon na pala ang hint sa private life ngayon ni Pauleen.
I remember, when I asked her kung hindi sagabal ang pagiging binatang ama ni Dennis, very positive ang kanyang sagot ng dalaga, hindi. Tanggap niya ang pagiging father ng kanyang co-star.
Nag-split na sina Cristine at Dennis noong May. For good na ang kanilang separation, say ng actor.
Well, talagang for good na dahil may Pauleen na si Dennis. As for Cristine, hindi pa rin yata ito nakakakita ng kapalit ng actor.
WALANG KIYEME, HINDI na ma-reach ngayon ang beauty ni Eugene Domingo.
Aba, may launching movie na siya courtesy of Papa P, Piolo Pascual, gagah! Bidang-bida na siya sa Kimmy-Dora, isang comedy na malapit nang ipalabas.
With that, all over ang beauty ni Eugene at maging sa TV interviews ay nagpapakuwel siya, parang her way of saying na magaling siyang comedienne.
Well, okay lang ‘yan, Eugene.
Ang hindi okay ay ang narinig naming nagpapabayad ka na raw ngayon sa mga interviews mo. True ba itetch?
Say ng ever reliable naming source, ten kiyaw (P10,000) daw ang asking price ng hitad kapag may gustong mag-interview nang live sa kanya sa telebisyon. At hindi rin daw siya free for any VTR interview. Five thou daw ang fee niya for any VTR interview kahit pa ito para sa kaibigan niya.
Eugene, ‘wag mo kaming kyemehin, sumagot ka kung trulili bang-bang ang tsikang ito about you! Now na!
Type palang gayahin ni Rochelle Pangilinan ang hindi pagkibo ni Maricar Reyes tungkol sa kinasangkutang sex video with Dr. Hayden Kho.
When asked kung ano ang gagawin niya kung siya ang nasa posisyon ni Maricar, sinabi ni Rochelle na hindi na lang siya kikibo (eh, sino naman ang hihipo? Joke!)
Siguro po, kung ako ‘yon, hindi lang din po ako kikibo, mananahimik na lamang po ako. Gano’n po kasi ako,” say ng dalaga na bidang-bida na naman sa Daisy Siete Season 23 entitled Chacha Muchacha.
Nang tanungin rin ang dalaga kung carry na niyang layasan ang Sex Bomb Dancers, in-admit naman ng dancer-singer na hindi pa niya kaya. Aminado naman siyang nahirapan siya nang pansamantala siyang bigyan ng solo career ng kanyang manager na si Joy Cancio.
“Hindi ko pa kaya,” pag-amin ni Rochelle. « At saka, masa masaya po pag marami. Hinahanap-hanap ko po ‘yong ingay at gulo kapag nasa dressing room. Iba po talaga kapag marami kayo,” dagdag ng frontliner ng Sex Bomb.
Medyo natawa kami nang sabihin ni Rochelle na minsan ay siya ang nagbabayad ng chit nila ng kanyang ka-date. Nasa-shy kasi siya kung palaging ang ka-date ang taya sa kinain nila.
ni Alex Brosas
Lex Chika!

































