THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, March 18, 2011

Baby James, binuking ang amang si James Yap na Girlfriend si Isabel Oli!



Kung ayaw magkomento ng kaniyang inang si Kris Aquino sa estado ng love life ngayon ni James Yap, si Baby James o Bimby na mismo ang nagbuking sa ama.

Ayon kay Baby James, si Isabel Oli ang kasintahan umano ng kaniyang papa.

Nang tanungin si Kris ukol sa love life ng dating mister, inihayag ng Presidential sister na nangako siya kay James na hindi niya ito pag-usapan.

Ngunit nang si Bimby ang hinarap at tinanong kung alam nito kung sino ang girlfriend ng basketbolista, inihayag ng bata na si Isabel.

Nang tanungin kung sinong Isabel, inihayag ni Baby James na "Isabel lang."

Si Kris naman mismo ang nagtanong sa anak kung nakilala na nito si Isabel at ayon sa bata, hindi pa at ayaw niyang makilala ito.

Ayon naman kay Kris, wala siyang selos kung may bagong babae man sa buhay ng dating mister dahil wala na umano siyang nararamdaman para rito.

Nang tanungin kung ano ang gagawin niya kapag nakasalubong si Isabel, hindi ito sinagot ni Kris pero sumabad kaagad si Baby James at sinabing "away-away mom."

Courtesy: Bomboradyo