THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, March 18, 2011

Valerie Concepcion, inaming BF na ang PBA star na si Dondon Hontiveros!



Matapos ang dalawang taon, umamin na ang TV host/actress na si Valerie Concepcion na boyfriend nga nito ang PBA star na si Dondon Hontiveros ng San Miguel Beer.
Ayon sa TV host, ngayon lang daw kasi nito na-realize na wala namang pupuntuhan kung idi-deny pa rin nito ang kanilang relasyon.
Hindi rin umano alam ni Hontiveros na ibubunyag na ni Valerie ang kanilang dalawang taong relasyon bilang magkasintahan.
Ngunit kahit umabot na aniya sa dalawang taon ang dating komplikadong relasyon nila ni Dondon ay naiiksian pa rin siya roon upang pag-usapan ang pagpapakasal.
Samantala, hindi pa umano handa si Valerie na aminin sa kanyang anak na si Fiona ang relasyon nila ng basketbolista.
"Pero kapag magkasama sila, okey. Pero pag sinabi nang, 'Mag-aasawa na si Mama, but not Kuya Don.' May gano'n! Hindi pa siya ready. Buti na lang hindi pa ako ready," kuwento ng aktres.
Si Fiona ay anak ni Valerie sa kanyang non-showbiz ex-boyfriend.


Courtesy: Bomboradyo