THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, May 27, 2011

Angelica Panganiban tinatarayan si Erich Gonzales?


Nega pala ang dating ni Angelica Panganiban sa ginawa niyang pasaring kay Erich Gonzales.

Nababasa ko sa mga online feedbacks, lumabas daw ang tunay na kulay ni Angelica – ang pagiging jologs magsalita at parang walang breeding.

Actually, ayon sa isang source, mainit talaga ang dugo ngayon ni Angelica kay Erich na nanahimik sa isyu ng pagkaka-link sa kanila ng boyfriend ng una na si Derek Ramsay.

Minsan daw ay hindi ito (Angelica) nakapagpigil sa isang interview at sobra ang ginawang pagtataray kay Erich. Pero mas malala pa raw ang sinasabi ni Angelica pag off cam against Erich.

Anyway, balik-Twitter si Angelica, pero tamed na ang mga tweets niya.

Bait-baitan na siya.

Ilang beses na rin kasing sumabit si Angelica dahil sa Twitter na in fairness ay hindi naman sinisisi, katulad ni Mo Twister, kaya siguro natuto na ang magaling na young actress.

Pero teka ‘di ba may movie sina Derek at Erich, baka naman gumigimik lang sila?

Source: Pilipino Star Ngayon