THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, May 27, 2011

THE REAL STORY: Sa Panununtok ni John Estrada sa Floor Director ng HYY na si Alex Magbanua!


Ilang twitter followers ang nagtanong sa akin kung gaano katotoo 'yung balita na sinuntok ni John Estrada sa mukha ang beteranong floor director ng "Happy, Yipee, Yehey!" na si Alex Magbanua last Thursday, May 26, 2011.

Hinusgahan agad si John nang hindi man lang nakukuha ang panig ng tv host-actor. Nag-bbm ako kay John. "Hindi ko sinuntok, mare! Ikukuwento ko sa 'yo bukas. Kukunan lang ang eksena ko," sa "Minsan Lang Kita Iibigin."

Ang ginawa ko, tinawagan ko ang isang production staff para linawin ang isyung ito.

"No, hindi sinuntok ni John. Ganito ang kuwento no'n," simula ng source ko, "Nakarating kay John sa dressing room na itong si Alex, pinagalitan 'yung mga matatandang tumayo sa upuan nila sa audience gallery para umihi.

"Siyempre, mga senior citizens na 'yan, di ba? Pag naiihi sila, hindi naman nila puwedeng tiisin, kaya tumayo sila sa puwesto nila at dire-diretso palabas papuntang CR.

"Nakita ngayon nitong si Alex, kaya pinagalitan n'ya 'yung matatanda. Sinigawan niya, 'Sinabi kanina na walang tatayo, dahil magsisimula na ang show. Alam n'yo, two years ago, may pinalabas na 'ko dito at hanggang ngayon, hindi pa nakakabalik.

"Kaya, 'Get out!' Eh, 'yung matatanda, tuloy-tuloy pa sa upuan. Napikon yata si Alex, kaya sumigaw na naman ng, 'I said, 'Get out!' Kaya 'yung matatanda, umiiyak na umalis.

"Ang ginawa ng creative head, si Willie Cuevas, pinahabol sa marshalls ang mga matatanda at pinabalik. Nagalit din si Direk Willie, kaya nagdayalog din siya ng, 'Walang kahit sino ang magpapalabas ng audience!'

"Eh, 'yung buong eksenang 'yon, nakarating kay John, kaya bago magsimula 'yung show, nilapitan ni John si Alex at pinagalitan. 'Bakit mo pinalalabas 'yung matatanda, ha? Bastos ka, ha! Wala kang galang sa matatanda!

"Dapat inaalagaan mo ang audience natin, dahil nag-e-effort silang pumunta rito para mag-enjoy, tapos, palalabasin mo? Gago ka pala eh! ' Ayun, sinuntok ni John, pero hindi pinatama ni John sa mukha, du'n lang sa gilid, kaya sa pader tumama."

Sa huli, humingi ng paumanhin si Alex kay John at hindi lang naikuwento sa akin ng source kung pati sa matatandang ipinahiya nito ay humingi rin si Alex ng paumanhin.

Pag nakausap ko naman si John Estrada at si Alex, pakikinggan ko naman ang kanilang panig.

Tulad ni Willie Revillame, mahal din ni John Estrada ang mga senior citizens. (may27'11)

Source: OgieDiazblogspotdotcom