THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, June 10, 2011

Kris Aquino hindi namansin at sinupladahan ang mga Kapamilya sa Cagaya de Oro?!



Hinanap ng mga fans si Ai Ai delas alas sa Cagayan de Oro last Wednesday para sa Pilipinas Got Talent.

Sa Liceo De Cagayan University ginawa ang PGT.

Anyway, hindi raw nakapunta si Ai Ai sa Cagayan dahil maysakit daw ito. Pero, naging masaya pa rin ang PGT sa Cagayan dahil ang pumalit kay Ai Ai ay si Vice Ganda na nagpakuwela rin nang husto.

Sa dami ng mga gustong manonood sa PGT, na kahit open to the public raw `yon, kinailangan nilang mag-issue ng ticket para ma-kontrol ang pagdagsa ng mga tao sa coliseum.

Siyempre, mahigpit ang security sa buong venue dahil nandoon nga ang isa pa sa mga hurado na si Kris Aquino, bunsong kapatid ni Pre­sident Noynoy Aquino.

Siyanga pala, marami ang nagandahan kay Kris, pero may mga tao na nagsabi na suplada raw ito dahil hindi man lang daw sila pinansin nito.

Pero, iginiit ng aming kausap na hindi totoong nag­suplada si Kris sa Cagayan, dahil panay rin naman daw ang ngiti nito sa mga tao sa paligid niya.

Siguro raw, na-misinterpret lang ng mga tao roon ang pagku-concentrate ni Kris sa pagdya-judge.

Source: Abante Online