THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Friday, June 10, 2011

Marian Rivera says NO to Divorce Bill!




Hindi naniniwala ang bida ng Amaya na si Marian Rivera na dapat maging legal ang divorce sa Pilipinas. Ayon kay Marian, “Ay, ayoko niyan. Naniniwala kasi ako na kapag nagmahal ka sa isang tao at nagpatali ka habambuhay, dapat panindigan mo ‘yun habambuhay.”

Sa tanong kung paninindigan niya if ever na ikakasal nga siya?

“Naman!,” ang bonggang-bongga at kinikilig pa niyang sagot.

Ten years from now, nakikita naman daw ni Marian na nasa showbiz pa rin siya pero may pamilya na.

Sey niya, “Nasa showbiz pa rin, pero, may pamilya ako, masaya at mga tatlong dosenang anak kaya po ako nagtatrabaho ng mabuti! Ha! Ha! Ha!”


Nasa aura ni Marian kung gaano ito kasaya at kaligaya ngayon. Obviously, very contented nga ang primetime queen sa kanyang personal at professional na buhay.

Kunsabagay, kahit matagal na silang hindi nagkakasama ni Dingdong Dantes sa isang project, napu-prove nila na hindi lang talaga sila pang-showbiz.

Sa career naman, may mahihiling pa nga ba si Marian lalo na nga at sa dalawang linggong umeere ang Amaya, napu-prove niya sa mataas na rating nito na siya nga ang deserving na tawaging primetime queen at wala ng iba pa.

Eh, busy rin siya sa pelikulang Temptation Island ng Regal Films.

Source: Abante Online
Video credit: GMA News TV