THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!
Showing posts with label Annabelle Rama. Show all posts
Showing posts with label Annabelle Rama. Show all posts

Saturday, October 23, 2010

WAR: Annabelle Rama called Heart Evangelista na "walanghiya, ingrata, walang utang na loob" at "laos"!


http://blogpipiatbingi.com/wp-content/uploads/2009/02/heart-evangelista-daring.jpg
Tinawag ni Annabelle na "walanghiya, ingrata, walang utang na loob" at "laos" ang aktres na si Heart Evangelista pagkatapos nagdesisyong hindi siya magrerenew ng co-management contract with the Gutierrez matriarch.


Ito ang istorya ni Heart. "Pinakamalaking kontrata, nakuha ko sa GMA-7. Pinakamalaking trabaho na nakuha ko sa kanya, hindi pa sila ma-satisfy. Naloloka ang byuti ko! Nakuha ko yung contract, kinuha sa akin ng mommy niya ang kontrata niya, for another three years. Napakalaki ng kontrata. Naduling yata ang nanay sa pagbasa. The next day, sinabi niya na 'ayaw ko nang mag-renew, hanggang two years lang tayo,' samantalang mag-two years pa lang kami.

"Nakita nila yung kontrata sa GMA, malaki ang figures. The next day, 'Puwede ba, puwede ba ako na lang ang mag-manage sa anak ko? Kasi kailangan ko ring tulungan ang sarili namin. Sayang naman yung 30 percent [commission] na makukuha ko.' Okey lang sa akin. So, meron pa siyang one year sa akin," pagtukoy naman ni Annabelle sa nalalabi pang kontrata ni Heart. Sa tagal ko na sa industriya, sa tagal ko nang manager, yung mga walanghiyang talent, ingrata, walang utang na loob, malalaos din 'yan!

"Hindi ako papayag. 'Yang mga walang utang na loob, mga ingrata, hindi sisikat 'yan. Kakarmahin 'yan sa akin!

Samantala, nagbigay ng official statement ang nanay ni Heart na si Mrs. Ongpauco.

"We have always been Heart's main Manager and have always been behind all the major decisions, projects and career moves of Heart even when we HIRED Annabelle Rama to co-manage Heart. We do not wish to dignify her wrongful statements towards Heart. And we stand by our decision and it is our prerogative not to renew the co-management contract that we gave to Annabelle when it expires in 2011."

Reposted/Courtesy: Buzz Express

Sunday, August 16, 2009

HOT: Exclusive Interview with Annabelle Rama laban kay Wilma Galvante

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via GMANews


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

HOT: Wilma Galvante nagsalita na tungkol sa Binabatikos sa kanya ni Annabelle Rama!

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via GMANews


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Annabelle Rama hinamon na mag resign si Wilma Galvante (GMA7)

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com via Pinoy Parazzi

HINDI PA RIN napigilan ang pagrepeke ng bibig ni Anabelle Rama nang magsalita ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado. Mainit na ang ulo nito nang ibinaba ang desisyon ng Asst. Prosecutor’s Office ng QC-RTC na kung saan ibinasura ang kasong Slander/Grave Oral Defamation na isinampa nito laban kay Ma’m Wilma Galvante.

Ani Tita Anabelle, malakas daw ang kasong isinampa niya, kaya lang alam daw niyang Asst. Prosecutor doon ang asawa ng abugado ni Ma’m Wilma na si Atty. Freddie Villamor kaya tiyak na nagapang daw iyun kaya na-dismiss ito.

Hindi naman daw siya titigil dahil magpa-file daw siya ng Motion for Reconsideration dahil naniniwala raw siyang aakyat ang kaso nito.

Sinagot naman ito ng abugado ni Ma’m Wilma na sana huwag naman daw idamay ang asawa niya dahil hindi naman daw sa division niya bumagsak ang kaso. Lalo namang hindi raw ito pinakialaman ng asawa niya.

Dagdag na pahayag ni Atty. Villamor, “Sana huwag hindi ako pini-personal ni Annabelle dahil nag-abugado lang ako. Wala namang may nag-utos sa kanya na magdemanda siya at doon siya sa Quezon City mag-file.

“Mas mabuti siguro, basahin na lang nila ang Resolution at doon na lang nila husgahan kung meritorious ang kaso o hindi.” Kung mag-file daw ng Motion for Reconsideration si Tita Annabelle, haharapin naman daw nila ito at tiyak naman daw na ma-resolve pa rin ito.

Hindi matanggap ni Bisaya ang mga pinagsasabi ng abugado ni Ma’am Wilma kaya inalipusta raw niya ito nang husto. Hindi raw siya bilib sa naturang abugado dahil ito rin nga raw ang abugado ni Mr. Atong Ang at nakulong ito. Kaya ang ending daw nito makukulong din si Ma’m Wilma.

Sagot naman ni Atty. Villamor, unfair naman ito kay Atong Ang na dinamay din siya sa isyung ito.

“Napaka-complicated ng kaso ni Mr. Ang, pero nakalaya na siya at hindi naman siya ngayon nakakulong. Hindi ko na i-dignify ang iba pa niyang sinabi,” pahayag nito.

HINAHAMON DIN NI Tita Annabelle na mag-resign na si Ma’m Wilma dahil nakakahiya na raw itong nangyayaring nagdedemandahan silang dalawa. Conflict of interest daw ito at kahihiyan daw itong ginagawa ni Ma’m Wilma na gusto pa nitong sulutin ang alaga niyang si JC de Vera.

Marami pang matinding pahayag si Tita Annabelle laban kay Ma’m Wilma at ang abugado nito. Pero ayaw na nila itong patulan. Sagot din ni Ma’m Wilma, wala namang bago sa mga sinabi ni Tita Annabelle. Iyun pa rin daw ang mga sinabi nito. Basta ang sinusunod lang daw niya ay ang desisyon ng korte dahil iyun ang legal.

Ang pagsalita ni Tita Annabelle ay nagpapatunay na fair lang sila. Hinayaan daw itong magsalita sa programa nila at wala raw siyang balak na harangin ito.

Basta tuloy lang daw ang trabaho nila at may magagandang plano pa raw sila sa career ni Richard Gutierrez. Wala raw itong kinalaman sa away nila ni Tita Annabelle.

Nagpapasalamat lang daw sila dahil maganda raw ang takbo ng ratings ng mga programa ng GMA 7 lalo na ang Darna na patuloy na namamayagpag sa ratings.

Ang huling rating ng Darna nu’ng nakaraang Huwebes ay 46.7% at mukhang ma-maintain pa ito o mas tataaas pa dahil lalo namang gumaganda ang takbo ng kuwento.

Kaya siguro i-enjoy na lang ang mga magagandang programang napapanood sa GMA-7 at hayaan na lang ang korte na mag-decide sa personal na gulo nina Tita Annabelle at Ma’m Wilma.

Monday, July 13, 2009

Gutierrez: Not Over Yet on Libel Suit VS PEP.PH

Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com

MANILA, Philippines — It's not yet over.

The camp of actor Richard Gutierrez said it will question the Department of Justice (DOJ) decision dismissing the P25-million libel suit the actor filed against editors and a reporter of the Philippine Entertainment Portal (PEP).

Gutierrez's legal counsel, Angelica Santiago, said in an interview on GMA 7's Startalk that their camp is preparing an appeal.

The DOJ resolution dated July 9 dismissed the case for "lack of probable cause."

"May proseso ng apela para dito sa resolusyon na ito [There is a process for this resolution], so we do have the right to question that resolution of the DOJ and we intend to do that," Santiago said.

She said their camp will file the appeal within the next two weeks.

"We do have 15 days from the day we received it, which is yesterday. We have 15 days to question it. So within that time, isasampa na namin ang aming apela," she said.



Gutierrez said he did not expect that the case he filed against PEP would be immediately dismissed.

"Pakiramdam namin na hindi nabusisi ng husto ‘yung kaso namin [We feel the prosecutors involved failed to really appreciate the case]," he said in an interview aired on ]Startalk].

"Para sa akin at sa buong team namin, itutuloy namin ang laban [We are not giving up the fight]," he added.

Gutierrez filed last April a libel suit against PEP editor-in-chief Jo-Ann Maglipon, managing editor Karen Pagsolingan, and writer Bong Godinez for an article posted on PEP on March 29 saying that Gutierrez had a fight with actor Michael Flores at the birthday party of director Mark Reyes.

Gutierrez filed the case at the Makati Prosecutor's Office, but this was later transferred to the DOJ.

Gutierrez’s outspoken mother, talent manager Annabelle Rama, minced no words in lambasting the DOJ prosecutor for dismissing the case, alleging irregularity.

She also turned personal against PEP legal counsel Sandra Olaso-Coronel, who was seen smiling in one video footage as she was being interviewed.

Rama claimed that it was Coronel who arranged (nilakad) for the dismissal of the case.

The DOJ resolution dismissing the libel case penned by Associate Prosecutor Mary Jane Sytat said that Gutierrez, as a public figure, must not be "onion-skinned" and should be ready to "absorb the thrust of public scrutiny."

Coronel said the PEP camp "will go through the process" should the Gutierrez camp decide to file an appeal questioning the DOJ resolution.

Sunday, July 12, 2009

Richard Gutierrez, Annabelle Rama babanat pa rin vs. PEP

Published/Posted By: www.STARtriga.blogspot.com


MATINDI ang pag-alma ng mga tagahanga ni Richard Gutierrez dahil na-dismiss ang kasong libel na isinampa nila ng inang si Annabelle Rama laban sa PEP.

Dapat daw ay pinag-aralan muna nang husto ng korte ang merit ng rek-lamo bago ito pinawalang-bisa. Mula sa kampo ni Richard, nalaman naming iaapela nilang mag-ina ang kaso. At puspusan silang lalaban para mabigyan daw ng leksyon ang PEP sa ma-lisyosong balita nito.

Friday, July 10, 2009

Ruffa Gutierrez’s Facebook status: from “Single” to “It’s complicated”

Following the heels of the media frenzy surrounding paparazzi photos taken of John Lloyd Cruz and herself together in various parts of L.A., Ruffa Gutierrez recently updated her Relationship Status on Facebook from “Single” to “It’s complicated.”

Just last Sunday, she continued to deny on The Buzz that she and Cruz were together, saying, “We are not a couple. We enjoy each other’s company. We go out. We text. Pero hindi po kami magkasintahan, okay,” reports Pep.ph.

http://www.spot.ph/files/2009/07/ruffa_fb.jpg


Source: www.STARtriga.blogspot.com via SPOT

Photo Courtesy: STARtriga Facebook Account.

Wednesday, July 8, 2009

TXT Message ni Annabelle Walang Epekto kay John Llyod

Hindi rin pala ubra ang pagiging terror ni Annabelle Rama kapag ang kaligayahan na ng anak niya ang nakasalalay.

Pinayagan na niya finally kung anumang relasyon meron ang kanyang anak na si Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz. Sumuko na siya sa nakikita niyang sincerity at tatag ng loob ni John Lloyd sa panliligaw nito kay Ruffa. Ano pa bang matatawag mo sa ginagawa niyang panunuyo sa Miss World Princess? I’m sure hindi lang friendship, kundi mas higit pa, ang habol niya sa unica hija ni Annabelle.

Hindi na nila itatago ni Ruffa ang kanilang relasyon kung simpleng pagkakaibigan lamang ito. But the photos tell a different story, wala na silang choice kundi tanggapin kung anuman ang nakikita sa kanila ng publiko, hindi lamang dito sa bansa kundi maging sa labas nito.

“Sumuko na ako,” sabi ni Annabelle. “Nakita ko na ang sincerity ni John Lloyd. Kahit ilang beses ko na siyang tinext ng masama, pinapahinto ko siya kay Ruffa pero, hindi siya sumunod.

“Ayaw ko nang makialam. Lalo’t boto naman ang mga anak ni Ruffa sa kanya. Pagbibigyan ko na ang sinasabi ni Ruffa na “friendship” nila, sabi pa ng matapang na mother ng mga Gutierrezes.

Friday, July 3, 2009

Affidavit ni Annabelle Rama VS Wilma Galvante!

scan00013 214x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan00022 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0003 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0004 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0005 217x299 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0006 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0007 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0009 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0010 216x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0011 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0012 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0013 216x300 affidavit ni annabelle vs wilma!scan0014 218x300 affidavit ni annabelle vs wilma!binigyan kami ng kopya ng isang juicer na nakatanggap ng kopya ng affidavit ni annabelle rama sa kaso ni vs Wilma Galvante ng GMA. kakaloka si Wilma!