THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Sunday, September 6, 2009

The Buzz hosts share their opinions on the relationship between stars and the press

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

Isa sa mga mainit na pinag-usapan kahapon sa The Buzz sa POV (Points, Opinion, Violent Reaction) portion ay ang sagutang nangyari sa pagitan ng aktres na si Roxanne Guinoo at isang tabloid writer. Matatandaan kasing sa ginanap na press conference kamakailan ng upcoming teleserye na Florinda, nagpalitan ng maiinit na pahayag si Roxanne at ang miyembro ng press.

Unang nagpahayag si Ruffa Gutierrez sa POV portion na nagsabing mahirap kalaban ang press people subalit minsan ay nakukuha sa lambing. Dinagdagan naman dito ni Kris Aquino na importanteng ang paglalambing sa kanila ay sincere dahil kayang matukoy ng mga manunulat kung sino ang artistang sincere o hindi. “So dapat talaga it comes from your heart,” paalala ni Kris.

Ipinaliwanag naman ni Boy Abunda na ang nangyaring debate sa pagitan ni Roxanne at ng nasabing manunulat ay pangkaraniwan. “Dahil ang artista po at ang press will have the tug of war (relationship). Ang artista is conscious of business of projection, gusto natin ang projection sa publiko ay maganda, kaaya-aya. Ang press naman has the job to tell the story,” simula ni Boy. Pagpapatuloy niya sa paghahanap ng istorya, may mga artistang nagsasabi ng totoo, kakapiranggot lamang ang katotohanang sinasabi at mayroon ding hindi talaga nagsasabi ng totoo. Gayundin sa mga manunulat, may nagsusulat ng totoo at mayroon ding hindi.

“Ang end ng storyang ito, kayo po ang kasama dito dahil ang artista, plays to you. Ang press naman wants to tell the story to you the public, so the tug of war will always be there,” sabi ni Boy. Dagdag niya, konektado ang lahat at kung hindi man malaman ngayon ang katotohanan ito ay lalabas at lalabas din. Paalala pa ni Boy, kapag nagdesisyong maging artista ang isang tao ay nagiging public ang buhay nito sa ayaw at sa gusto niya.


Twitter Button - Red Theme