THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Thursday, September 17, 2009

MAARTE: Ruffa Gutierrez nanood ng 'In My Life' ng Private!; ayaw makitang kasama si JLC

Posted/Original/Published By: STARtriga.blogspot.com

Hindi pa man humuhupa ang bulung-bulungan kaugnay ng napapabalitang relasyong Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, heto na nama't isang eksplosibong isyu ang lumabas na pilit muling nagbibigay kulay sa relasyon nilang dalawa. Kagabi, nagpa-reserve si Ruffa ng isang private screening ng In My Life na siyang pinagbibidahan ni John Lloyd kasama sina Vilma Santos at Luis Manzano. Ang nasabing event na ito'y dinaluhan di umano ng kanyang pamilya't ilang malalapit na kaibigan, both showbiz and non-showbiz.

Nang subuking usisain ng SNN ang dahilan sa likod ng inorganize niyang special screening na ito, agad na ipinaliwanag ni Ruffa na paraan lamang daw niya ito ng pagbibigay suporta sa naturang pelikula. Aniya, "Siyempre support sa Star Cinema, kay Ate Vi, kay Luis, at kay JL (John Lloyd)... Maganda raw talaga yung pelikula e... And madami kami, more than 50, so naisip naming ipareserve na lang."

Upang linawin naman ang haka-haka ng ilan, agad iginiit ni Ruffa na hindi raw siya ang may sagot ng lahat sa nasabing reservation. "Excuse me naman, they're all paying ha!" tatawa-tawang sambit niya.

Unang pagkakataon daw na nag-organize ng ganitong klaseng event si Ruffa, and apparently she seems to enjoy the idea dahil aniya'y magandaang paraan ito ng pagsuporta sa movie industry; bunsod na rin nito, na-inspire siya di umanong umulit ng ganoong klaseng movie-party in the near future. "First time ko 'to ginawa, and I'll do the same for Richard (Gutierrez) for his next movie."


Twitter Button - Red Theme