THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Saturday, July 24, 2010

Regine on Charice botox issue: ‘ Dapat hindi na lang nila pinublic’

Follow us on Twitter: Twitter.com/STARtrigaBlog

Kabilang si Regine Velasquez sa mga celebrity endorsers ng Belo Medical Group. Kaya naman hiningan na rin ang actress-singer ng komento tungkol sa botox procedure na ginawa ni Dra. Vicki Belo kay Charice Pempengco.

Sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) nitong Sabado, sinabing nakapanayam ng mga showbiz press ang Asia’s Song Bird na si Regine sa thanksgiving presscon kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang kantaserye sa GMA 7 na Diva.

Dahil kabilang si Regine sa mga celebrity endorsers ng Belo Medical Group na pag-aari ni Dra Vicki, hiningan na rin siya ng komento tungkol sa ingay na idinulot ng botox procedure na ginawa sa Pinay international singing sensation na si Charice.

Mainit na pinag-usapan sa Internet ang naturang pagpapa-botox ni Charice at marami ang pununa kung bakit kailangang sumailalim sa naturang proseso ang batang singer gayung 18-anyos lang siya. (Basahin: Vicki Belo criticized over Charice botox issue)


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Maging si Dra Vicki ay hindi nakaligtas sa mga puna sa ibat-ibang forum at blogs sa Internet, at may mga nag-akusa na siya ang nakinabang sa publisidad na nilikha ng ingay ng botox procedure. Sinasabing bahagi iyon ng paghahanda ni Charice sa paglabas niya sa sikat na show sa US na Glee. (Basahin: PEP: Dra. Belo's camp clarifies botox procedure on Charice)

"Siguro they were all shocked lang kasi she's too young," simula ni Regine sa panayam ni Erwin Santiago para sa PEP. "And we all know that botox is for mga wrinkles, ganyan... Siguro si Dra. Belo has another reason why she did that. She's a doctor, she wouldn't do anything that would harm her patients, especially a celebrity like her [Charice]. Siyempre, pangalan din niya yung masisira do'n.

"Siguro ang puwede ko na lang sabihin diyan, dapat hindi na lang nila pinublic... I'm sorry that I have to mention that, siguro they wanted, I don't know, publicity and all, but maybe it wasn't such a good idea. If they want to do that, puwede naman, wala na lang makaalam," idinagdag ni Regine. – FRJimenez, GMANews.TV