THANK YOU FOR VISITING US! WE HAVE REACHED 3,000,000 MILLION VIEWS!

Follow us on Twitter and Facebook!

Tuesday, February 22, 2011

Willing Willie live in Davao City, tuloy ngayong Sabado kahit kasabay pa ng kasal ni John Estrada!


Tuloy sa Sabado ang live telecast ng Willing Willie sa Davao City.



Sa araw ring ‘yon ang kasal ni John Estrada kay Priscilla Meirelles sa La Union.

Parte sana ng kasalang John-Priscilla si Willie, pero nagkaroon ng gap ang TV host/producer dahil tinanggap ni John ang noontime show ng ABS-CBN.

Noong una ay inilipat na ni Willie ang date ng Davao City show ng Willing Willie, pero dahil sa naging tampo niya kina John at Randy Santiago, itinuloy na niya ‘yon sa original date nito na Pebrero 26.
 
Courtesy: LionhearTV